Janella Salvador
Janella binalikan ang pagiging singer
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - August 9, 2019 - 12:00am

Kakaiba ang ganda ng boses na ipinarinig ni Janella Salvador sa kantang Nung Tayo Pa na entry sa Himig Handog at composed nina Rex Torremoro at Elmer Jan Bolaño.

Magandang move ito para kay Janella dahil matagal-tagal ding hindi narinig ang boses niya. Maganda na makilala rin siya bilang mang-aawit bukod sa pagiging artista na magaling umarte.

Inaasahan na ng mga kasali sa nasabing kumpetisyon na magiging mahigpit nilang kalaban si Janella dahil talaga namang nakaka-LSS ang nasabing kanta.

Samantala, dahil Nung Tayo Pa ang title nito, hindi maiwasang manumbalik na naman ang issue tungkol sa ex-boyfriend nitong si Elmo Magalona na inakusahan niyang sinaktan siya ng pisikal. Iyon daw ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Dahil din doon, tuluyan nang nagwakas ang tambalang ElNella.

Umaasa ang fans ng dalawa na muli silang magkakaayos, kung hindi man bilang magkasintahan, kahit maging magkaibigan na lang.

Bagama’t may samaan ng loob, naiisip pa rin marahil ni Janella ang dating kasintahan pero kailangan niya nang mag-move on.

Kasalukuyan siyang nali-link  sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Markus Paterson.

Mapapanood ngayon si Janella sa seryeng The Killer Bride na malapit nang ipalabas. Kasama niya rito sina Maja Salvador at Joshua Garcia bilang kanyang bagong leading man.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with