Sunday PinaSaya may pa-contest sa mga bagong komedyante
Joe Barrameda (Pang-masa) - August 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puspusan na ang paghahanda ng well-loved Sunday variety show na Sunday PinaSaya para sa kanilang nalalapit na ika-apat na ani­bersaryo. At isa sa kanilang magiging sorpresa para sa kanilang loyal viewers ay ang bagong talent contest para sa mga aspiring Filipino comedians.

Inaanyayahan ang lahat ng mga nagbabalak mapabilang sa mga ipinagmamalaking komedyante sa bansa na mag-audition para sa bagong segment ng Sunday PinaSaya na The Joke.

Kung may talento ka sa pagpapatawa, samahan ang Sunday PinaSaya cast sa pagpapakalat ng good vibes tuwing Linggo.

Bianca nalaman na ang tunay na pagkatao!

Mukhang nalalapit na ang katapusan ng seryeng Sahaya na aming sinusubaybayan gabi-gabi. Bongga ang mga eksena ni Ana Roces huh. Sukdulan na talaga ang poot na nararamdaman ng karakter niya bilang si Irene sa epic series ng GMA-7. Very intense na ang mga eksena sa primetime soap dahil nalaman na sa wakas ni Sahaya (Bianca Umali) na anak siya ni Harold (Zoren Legaspi).

Michelle, Kelley at Isabelle salpukan sa Miss World Ph.!

Congratulations dahil pasok bilang final candidates ng Miss World Philippines 2019 competition ang Kapuso stars na sina Michelle Dee, Kelley Day at Isabelle de Leon.

Opisyal na inanunsyo ang tatlo bilang candidates sa final screening ng kompetis­yon. Si Michelle ay candidate number 21, si Kelley ay number 24 at si Isabelle naman ay number 7. Nakatakdang maglaban-laban ang tatlo para sa Miss World Philippines title maging sa iba pang other minor international pageants na Reina Hispanoamericana, Miss Eco International at Miss International.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with