^

Pang Movies

Gerald moving forward na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gerald moving forward na!
Gerald Anderson

Sa interview pa rin ng ABS-CBN reporter na si Ganiel Krishnan kay Gerald Anderson, inamin ng aktor na talagang wala na silang communication ni Bea Alonzo bago pa man pumutok ang controversy.

“Actually, bago pa nga nangyari ‘yung issue or pumutok ‘yung issue, we had no communication for almost mga 3 weeks na,” pahayag ni Gerald.

“But nun’g lumabas na at medyo lumaki siya, you know, I tried to reach out through our manager and personally but you know, siyempre, I respect that she didn’t respond. And I respect that she wanted no communication.

“You know, it hasn’t been easy. Alam ko it hasn’t been easy for her also,” patuloy ng aktor.

Natanong din si Gerald kung bakit ngayon lang siya nagsalita at ayon sa aktor, personal life niya raw ito at gusto niya sanang maging pribado.

“It’s my personal life, it’s not something that I want to share sa buong mundo, di ba? And kaya ngayon lang kasi it’s something I wanted to keep private and sana maayos namin in private but obviously, hindi naging ganoon.”

Nagbigay din ng patama si Gerald sa mga taong nakikisawsaw sa issue nilang tatlo nina Bea and Julia Barretto.“Maraming opinions and maraming nakikisawsaw. Hindi ko alam na kasama rin pala sila sa relationship ko. It is what it is and… well, I’m just gonna take this moment to, you know, get it off my chest, have peace of mind, and eto ‘yung first step to moving forward,” wika pa ng aktor.

Bagong all-boy group sa Korea, bibisita sa ‘Pinas!

Ang VAV na isa sa mga nangungunang all-boy group sa Korea, ay magpe-perform ng live sa kanilang kauna-unahang first full-length concert sa Manila sa VAV: 2019 Meet & Live In Manila ngayong darating na Setyembre 7 (7:00 p.m.) sa Skydome, SM North EDSA.

Ang VAV, na nangangahulugang Very Awesome Voice, ay nagsimula noong Oktubre 2015 sa ilalim ng A-Team Entertainment at pinukaw ng grupo ang puso ng milyung-milyong mga tagahangga sa iba’t ibang panig ng daigdig sa pamamagitan ng kanilang sexy at eleganteng imahe na sinamahan pa ng kanilang electrifying na talento bilang ilan sa pinakamahuhusay na mang-aawit at mananayaw sa mundo ng K-pop na mapapatuna­yan sa Best Performance award na kanilang nakuha sa 7th Thailand Daradaily Awards noong 2018.

Ang single ng VAV na Señorita na kanilang nilabas noong 2018 ay isang Latin infused K-pop dance single at ang opisyal na music video nito ay meron nang 26 million views sa YouTube habang ang opisyal na music video ng kanilang recent 2019 single na Thrilla Killa ay meron namang 23 million views sa YouTube.

Ang latest single ng VAV na pinamagatang Give Me More ay fini-feature si De La Ghetto at ang Grammy award-winning producers na sina Play-N-Skillz.

Ang opisyal na music video ng Give Me More ay meron na ngayong 10 million views sa YouTube at kinunan ito sa Pilipinas sa napakagandang probinsiya ng Bohol.

Mabibili ang mga tiket sa VAV 2019 Meet & Live In Manila sa lahat ng physical SM ticket outlets at online din sa www.smtickets.com atwww.ticket2me.net.

Ang mga VIP ticketholders ay maaaring mamili sa isang Q&A session sa VAV o photo op o fan sign sa araw mismo ng live show.

Sa ilalim ng direksyon ni Homer Espiritu, ang VAV 2019 Meet & Live In Manila ay isang joint-production ng Istudyo Ni Pipay at A-Team Entertainment kasama ang suporta ng arTEAsta.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with