^

Pang Movies

Mga Pinoy sa abroad abang-abang din kina Bea, Julia at Gerald

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mga Pinoy sa abroad abang-abang din kina Bea, Julia at Gerald
Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto

Ang issue kina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto ang maituturing ngayon na teleserye ng totoong buhay!

Halos lahat ay nakaabang sa mga pangyayari at sa mga susunod na kabanata ng triangle nila.

At kung pagbabasehan ang reaksyon ng mga tao, bidang-bida si Bea sa “teleseryeng” ito, huh!

Kahit nga mga kaibigan ko abroad, ang pala­ging tanong ay kung ano na ang updates sa tatlo?

Parang lahat na lang ay sina Bea, Gerald at Julia ang pinag-uusapan!

Sabi nga ni Vice Ganda sa tweet niya, “Gandang umaga!!!! Make this day productive. Wag puro abang sa sagot ni Bea! Chugug!”

Hahaha!

‘Ghosting’ swak na title sa lifestory ni Bea

Ano kaya kung ‘yung movie na sisimulan nina Bea, Richard Gutierrez at Angelica Panganiban ay gawing based sa nangyayari sa buhay ni Bea?

Kung ibabase roon ang istorya, maganda bang title ang Ghosting?

Hehehe!

John Lloyd at Ellen natabunan!

Talbog pa rin ng Bea, Gerald at Julia issue ang hiwalayan issue kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Mas marami ang interesado talaga sa mga pangyayari sa tatlo.

Ano kayang big showbiz news ang makakatalbog sa issue na ito?

Well...

Mga malalapit na kaibigan ni Marjorie, tikom ang bibig

Pinadala ko kay Pops Fernandez ang picture namin ng businesswoman na si Alice Eduardo na malapit sa Original Concert Queen.

Nasa Disneyland sa Anaheim, California ako nang aksidenteng magkita kami ni Ate Alice.

Sobrang lapit ni Ate Alice kay Pops.

Sabi ni Pops, “What a small world!”

Hindi ko na pinut on the spot si Ate Alice, kaya hindi ko na siya tinanong tungkol kay Julia.

Kilalang malapit si Ate Alice sa nanay ni Julia, kay Marjorie Barretto. Ang nalalapit na Sweet 16 birthday party na lang ni Lorin Gutierrez ang pinagtsikahan namin dahil inaanak ni Ate Alice ang panganay ni Ruffa Gutierrez.

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with