_pang-masa
^
Anne maharot sa pelikula nila ni Marco
Anne Curtis

Anne maharot sa pelikula nila ni Marco

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - August 7, 2019 - 12:00am

Kailangan pa ba?

Ilang kaibigan ni Anne Curtis ang nagtataka kung bakit kailangang magpa-sexy ng aktres sa Just A Stranger movie nila ni Marco Gumabao.

Sa trailer pa lang kasi ay maharot na ang dating ng lampungan scene ng dalawa.

Very sexy rin si Anne sa kanyang two-piece swimsuit.

Ang tanong nga nila — ano kaya talaga ang reaction ng mister ni Anne na si Erwan Heussaff sa pagpapa-sexy ng misis?

Pero in fairness, marami ang interesadong pano­orin ang Just A Stranger dahil sa pagpapa-sexy ni Anne — and of course, ni Marco!

Sa August 21 na ang showing ng Just A Stranger ng Viva Films.

Speaking of Anne, ‘yung Metro Manila Film Festival 2019 movie raw nila ni Vice Ganda ay asahang star-studded.

Marami raw celebrities na magge-guest doon.

Actually, kapag movie naman ni Vice, kadalasan, may mga surprise guest katulad ng Fantastika noong nakaraang MMFF.

Gaganap na artista sa buhay ni mother lily mas bagay daw si Ate Vi

After ng presscon ng Mina-Anud, katsikahan ni Mother Lily Monteverde ang anak na si Roselle Monteverde.

Napag-usapan ang mga artista ng kanilang mga pelikula.

Sabi ni Mother Lily, kunin daw siyang mag-artista.

At 80, ngayon pa ba mag-aartista ang Regal producer?

Anyway, marami ang excited sa pelikulang ipo-produce ni Dondon Monteverde tungkol sa Regal producer. Maraming nagsasabi na si Congresswoman Vilma Santos ang dapat magbida sa pelikulang ‘yon.

Sino kaya ang dapat at mas bagay na gumanap na Mother Lily?

ASAP sa Bay Area mahigpit ang security

Maayos daw ang ASAP Natin ‘To in Bay Area na ginanap sa SAP Center sa San Jose, California dahil naghigpit at hindi puwedeng pumunta sa backstage ang mga hindi allowed doon.

Ilang Filipino shows abroad ang magulo dahil hindi naghihigpit at maraming mga nakakapunta sa backstage na nagpapa-picture.

‘Yun na!

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with