^

Pang Movies

Ex-B may patama kay AiAi sa bagong kanta?!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Ex-B may patama kay AiAi sa bagong kanta?!
Ex Battalion

Nagbubunyi ang fans ng grupong Ex Battalion dahil hindi nila binigo ang mga ito sa kanilang pagbabalik sa eksena.

Sa kanilang comeback, isinabay din ng grupo ang paglabas sa bago nilang kanta na sinasabing pasabog ng mga maka-Ex-B. ito ay ang Pakinabang na mula sa Ex Battalion Music.

Wild na wild na naman ang fans dahil napaka-angas diumano ng nasabing rap.

Samantala, marami naman ang nakapansin na tila ang lyrics nito ay swak na swak sa dati nilang manager na si AiAi delas Alas na nakaalitan nila dahil diumano sa very unprofessional nilang ugali. May linya pa silang “Wala kang pakinabang sa mukha ng nakinabang...”

Matatandaang humarap si AiAi sa publiko na umiiyak dahil sa ginawa sa kanya diumano ng Ex-B, sa halip na magpakumbaba ang grupo, gumawa pa sila ng maraming kuwento para mabaliktad ang sitwasyon.

Ayon naman kay AiAi, masaya siya dahil hindi na sumasakit ang ulo niya. Nakakatulog na rin daw siya ng maayos simula nang bitawan ang nasabing grupo.

vuukle comment

EX BATTALION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with