^

Pang Movies

Gerald pumiyok na sa ghosting kay Bea!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gerald pumiyok na sa ghosting kay Bea!
Bea Alonzo, Gerald Anderson

Habang sinusulat namin ito ay wala pang sagot o paramdam si Bea Alonzo sa naging pahayag ni Gerald Anderson sa ABS-CBN entertainment reporter na si Ganiel Krishnan na nagkaroon nga sila ng big fight ng actress at hindi na healthy ang relasyon nila kaya umiwas na siya rito.

“Siguro ang nangyari, just like any relationship, we had fight after fight after fight. Then we had that one big fight na d’on niya nailabas lahat ng emotions and feelings.

“Nand’on ‘yung realization na hindi na siya masyadong healthy and we’re just hurting each other. Ayun umabot sa point na ayawan na talaga. Then after that you’ve got to stay strong para umiwas muna sa communication,” depensa ng actor sa interview na mabilis nag-trending kahapon. Tinawag na ghosting ang ‘style’ ng actor kay Bea. Nauso rin ang ‘na-Bea ka na ba?’ na inumpisan ni Paulo Avelino.

Nauna na ngang nagsalita si Bea na basta na lang siya hindi kinausap ng actor as in wala silang formal break matapos ang three years nilang relasyon.

The other day ay may mga nakapansin na nag-unfollow si Bea kina Gerald and Julia Barretto na sinasabi ngang dawit sa ghosting ni Gerald.

Nauna na ring may nag-confirm na sila Gerald at Julia na nga.

May source naman na nagkuwento na natakot si Gerald sa kasal at diumano ay ayaw ng nanay ng actor sa actress kaya nga umabot sa ghosting ang relasyon nila.

Base sa kuwento ng ibang source wala raw planong manahimik si Bea  dahil marami na raw itong mga kaibigang pinagkuwentuhan sa nangyari sa kanila.

So stay tuned folks. Exciting ang mga kuwento. Hahaha.

Hindi na makausap ng matino aktor matindi na ang amats!

Shucks, may amats na diumano ang isang actor.

May ilang kaibigan na raw ng actor ang gustong tumulong dito para hindi na lumala ang amats pero ‘di raw nito sinisipot nung minsang supposedly ay magkikita sila.

Ayon sa ilang nakakakita sa actor, parang palagi na itong lutang at iba-iba ang mga sinasabi pag nakakausap ng mga dati niyang kaibigan.

Nawiwindang daw talaga ang mga nakakausap nito sa mga sinasabi niya.

May mga kaibigan ngang nagmamagandang loob daw na tulungan ang actor at nang maagapan sa paglala ang amats nito as in dalhin sa rehab dahil nga pakiramdam daw ng mga ito ay may kinalaman ang bawal na gamot kaya ganito na ang actor.

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with