^

Pang Movies

Sarah parang hindi nanganak ng dalawa

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sarah parang hindi nanganak ng dalawa
Sarah Lahbati

Si Sarah Lahbati sa second day ng Viva Con noong Sunday sa World Trade Center.

Nakita ko si Sarah sa bahay nila ni Richard Gutierrez after ng nasabing event at ang ganda-ganda niya! Type na type ko ang style niya sa pananamit.

Parang wala pa ngang dalawang anak si Sarah sa hitsura niya dahil sa kaseksihan niya.

Ang sipag din kasi ng dalawa na mag-exercise, training at diet. Napansin ko nga rin na malaki ang ipinayat ni Richard.

Paghahanda raw ‘yon sa teleserye at movie nila ni Bea Alonzo.

JM dumalaw kay Ria, binuko ni Sylvia

Noong Sunday rin ay isa si JM de Guzman sa mga bisita sa bahay ng mga Atayde.

Mismong si Sylvia Sanchez ang nag-post sa kanyang social media accounts ng video na nagla-lunch sila with JM and some friends, pati ng mga anak niyang sina Ria, Arjo at iba pa.

Naniniwala ako sa sinasabi ni Sylvia na close friends pa lang talaga ang anak niyang si Ria at JM.

Close si Sylvia kay JM at parang anak din ang turing niya rito dahil anak niya ito sa isang bago nilang teleserye sa ABS-CBN.

Martin at Pops ayaw tantanan na magkakabalikan

Noong Sunday rin ay nasa V Mall ako sa Greenhills, San Juan nang may halos tumitili na tumawag ng pangalan ko.

“Jun Lalin... Jun Lalin...”

Ang veteran actress pala na si Daisy Romualdez ang tumatawag sa pangalan ko.

“Kausap ko lang kanina ang Mama (Annabelle Rama) mo,” kuwento niya at nasabi ko naman sa kanya na paalis ako kahapon papuntang Los Angeles, California para i-cover ang kick-off sa Pa­lace Theater on Saturday ng Two-gether Again US concert tour nina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Sey ni Tita Dai, “Nakita ko sila na nagsu-shoot at pictorial sa Solaire Hotel para sa promo raw nila ng concert tour nila. Malayo pa lang ako, naka-‘Tita Dai’ na sila. Nakakakilig na makita silang magkasama. Bagay na bagay pa rin sila.

“Feeling ko, kapag palagi silang magkasama, magkakabalikan ang dalawang ‘yan. Iba pa rin ang chemistry kapag silang dalawa.”

Sabi ko mukhang effective na ang ex-couple bilang friends na lang, pero komontra si Tita Dai.

“Feel na feel ko talaga, magkakabalikan pa rin sila,” sabi niya.

Naku, actually, marami nga talaga ang umaasa sa balikang Martin-Pops, pero mukhang ang dalawa naman, contented na rin sa pagiging friends.

At least, magkasundo talaga sila, huh!

Agree, Ateng Salve?

‘Yun na!

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with