Bela Padilla
Bela, business partner ng mister ni Solenn ang dyowa!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - August 6, 2019 - 12:00am

‘Di na bitter kay Angel?

Ang galing ng netizens, nakilala agad kung sino ang guy na kasama ni Bela Padilla na dumalo sa premiere ng Belle Douleur na entry sa 2019 Cinemalaya at ginawa sa CCP kamakailan.

Sabi ng netizens, si Nicolo Pizzocherri ang kasama ni Bella that night, business partner daw ni Nico Bolzico na asawa ni Solenn Heussaff. Hindi man magkarelasyon, matagal na silang lumalabas-labas at binuking na sila ni Angelica Panganiban na friend ni Bela nang mag-guest sila sa Magandang Buhay.

Ngayong nalaman ng may dine-date si Bela, titigilan na siguro siya ng netizens sa pang-ookray na bitter si Bela sa engagement nina Angel Locsin at Neil Arce na ex-BF ni Bela.

Mariel at Kylie sabay manganganak

Ang post ni Mariel Rodriguez ng photo na magkasama sila ni Kylie Padilla at ang caption na “I was saving this photo of us. I am so happy na sabay tayo...sharing this wonderful time with you. congratulations @kylienicolepadilla @ajabrenica @officialalasjoaquin another blessing your way!!!”

Sabay na buntis sina Mariel at Kylie, mauuna lang manganak si Mariel dahil si Kylie, ayon sa kanyang post ay 22 weeks preggy pa lang. Baby girl uli ang ipinagbubuntis ni Mariel at baby boy uli ang ipinagbubuntis ni Kylie.

In fact, may baby shower na para sa baby ni Mariel at sa post nito, parang Gabriela ang magiging pangalan ng baby girl nila ni Robin Padilla.

Family History ibinalik sa mga sinehan

Ibinalik sa ibang sinehan ang pelikulang Family History nina Michael V at Dawn Zulueta dahil na rin sa request ng moviegoers. Ikinakampanya rin ng netizens ang movie na direksyon ni Michael V., panoorin daw dahil maganda at kung pumipila ang karamihan sa Hello, Love, Goodbye, dapat pumila at panoorin din nila ang Family History.

Kaya nagpasalamat si Michael V sa moviegoers na naghanap ng movie nila ni Dawn, kaya as of yesterday, showing sa 41 cinemas ang Family History. Kailangan lang talaga tuluy-tuloy na paingayin ang pelikula para makuha ang interes ng moviegoers.

Nakatulong din na maganda ang reviews sa movie pati ang two songs na ginamit na parehong compositions ni Bitoy. Ang Ayoko Na ay kinanta ni Brianna Bunagan na anak nina Bitoy at Carol Bunagan at ang Ba’t Gano’n na may version sina Bitoy at Miguel Tanfelix.

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with