^

Pang Movies

Angel napagkamalang buntis!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Angel napagkamalang buntis!
Angel Locsin
Angel Locsin/Instagram

Tumaba na naman...

Oh ang daming nakapansin na tumaba na naman si Angel Locsin. Napagkamalan tuloy preggy ang actress.

Or baka naman daw sa suot lang.

Pero ayon sa source, may stylist naman siya na dapat ay nababantayan ang mga sinusuot niya lalo na nga’t ang mamahal ma­ningil ng mga stylist. At kitang-kita ito ng mga nanood ng ASAP sa Bay Area, California, kahapon kung saan isa siya sa maraming Kapamilya stars na performers.

Naging problema dati ni Angel ang kanyang weight nung nag-uumpisa ang taping ng The Ge­neral’s Daughter.

Maalalang natigil nun ang taping nila dahil kailangan niyang magpapayat.

Kaya nang mabawasan ang timbang niya, nag-resume ang taping last year.

Hanggang September na lang eere ang The Ge­neral’s Daughter.

Or baka naman sa sobrang kaligayahan ni Angel na engaged na sa movie producer na si Neil Arce kaya siya nanaba uli.

Or kung mabubuntis man siya walang masama, balitang ikakasal sila ni Neil sa 2020.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with