Kylie Padilla
Kylie lalaki ulit ang anak
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - August 5, 2019 - 12:00am

Ayan, ipinaalam na ni Kylie Padilla na buntis siya sa second baby nila ni Aljur Abrenica.

Lalaki muli ang ipinagbubuntis ni Kylie.

Binati si Kylie ng mga kaibigan at pati netizens, naki-congratulate na rin. Sinimulan na ring hulaan kung baby girl o baby boy ang isisilang ni Kylie, pero natutuwa sila na magiging kuya na si Alas.

Noon pa nababalitang buntis si Kylie, hindi lang nito kinukumpirma. Nabalita ring si Kylie ang isa sa choice sa role ni Dr. Kang na leading lady ni Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun, hindi lang natuloy dahil buntis nga siya. Kaya pumasok ang pangalan ni Jennylyn Mercado.

Second time nang hindi natutuloy ang pagtatambal nina Dingdong at Kylie dahil ‘yung pagtatambalan sana nilang Haram ay hindi rin natuloy dahil may mga nagreklamo.

Janno kuhang-kuha ang boses ni Manoy

Si Janno Gibbs pala ang nag-dub ng boses ni Eddie Garcia sa Viva Films movie na Sangano Sanggago at Sanggwapo. Kaya nalaman ang tungol dito dahil nag-post ng video si Janno habang nagre-recording siya.

“What an honor dubbing Mr. Eddie Garcia’s voice for a couple of scenes in our upcoming movie “Sanggano Sanggago Sanggwapo. #forManoy.”

Pero, hindi naman sa lahat ng mga eksena ni Eddie ay si Janno ang nag-dubbing, nakapag-dubbing din yata ang veteran actor bago may nangyari sa kanya. Saka, natapos ni Eddie ang kanyang mga eksena.

In fairness, kuhang-kuha ni Janno ang boses ni Eddie at ‘yun ang comment ng mga nakapanood ng video at nakarinig kay Janno. Napaisip lang kami kung may iba pang kaboses si Eddie sa industriya.

Ang Sanggano, Sanggago at Sanggwapo ay isa sa dalawang pelikulang ginawa ni Janno dahil kasama rin si Janno ni Dingdong Dantes na A Hard Day sa Viva Films pa rin. Malapit na ang showing ng comedy movie sa direction ni Al Tantay.

Joyce sa December na agad ang kasal

Sa December 8, 2019 ang kasal ng Kapuso aktres na si Joyce Ching sa fiance niyang si Kevin Alimon at sa Baguio City gaganapin ang kasal. Imbitado ang mga kasama ni Joyce sa Tweenhearts at ka-batch niya sa GMA-7, maliban kay Kristoffer Martin na ex-boyfriend niya.

Friends na sina Joyce at Kristoffer at pati nga ang GF ni Kristoffer, friend din ni Joyce. Kapag nagkikita nga ang dalawang girls, nagbebeso sila at nagkukwentuhan at madalas ding magkita ang fiance ni Joyce at si Kristoffer.

Pero, hindi imbitado ni Joyce sa wedding niya sina Kristoffer at ang GF nito para wala na lang daw isyu. Sigurado namang naiintindihan ito ni Kristoffer, kaya hindi siya magtatampo.

Naiintindihan din ni Barbie Forteza na kahit sila ni Joyce ang matagal ng friends, si Thea Tolentino ang maid of honor sa kasal ni Joyce.

Samantala, magbibida si Joyce kasama sina Vivia Foz at Arriosto Reyes sa The Bliss Cervantes Story sa Magpakailanman  sa Saturday, August 10. Gagampanan ni Joyce ang role ni Bliss na may sakit na Osteogenesis imperfect na nagiging brittle ang mga buto at hindi nakakatayo, kaya ang karakter ni Joyce ay laging nasa wheelchair.

Angelica at Pocholo ‘di sineseryoso

Angelica Panganiban and Pocholo Barretto look good together as a couple, pero bakit walang masyadong naniniwalang couple sila na may relasyon na sila? Kahit may IG Story si Angelica na kung saan, tinawag niyang “Pudding” si Pocholo at parang sinabing sinagot na niya si Cholo, wala pa ring masyadong naniwala.

Kahit nag-post si Pocholo sa IG Story pa rin na parang date nila ni Angelica at ang caption ay #preweeksary, wala pa ring masyadong sold. Ang feeling ng netizens, ginu-goodtime lang ng dalawa ang mga kaibigan at close friends lang sila.

May nag-comment pa nga na magkabarkada lang sina Angelica at Pocholo at kasama ang iba nilang kaibigan, nag-i-enjoy lang na magkasama sila. Pero malay natin at totoo ang relasyon nina Angelica at Pocholo at ginagawa lang biruan at kinu-comedy para hindi mabigat.

KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with