^

Pang Movies

Raymond napagkamalang daddy ng bunso ni Richard

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Raymond napagkamalang daddy ng bunso ni Richard

Sa 16th birthday lunch kahapon ni Lorin Gutierrez sa Marriott Café, in full force ang Gutierrezes.

Siyempre, kasama nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang mga anak na sina Zion at Kai.

‘Katuwa si Kai dahil titig na titig kay Raymond Gutierrez na twin-brother ng kanyang daddy.

Kahit karga na siya ng kanyang daddy, sabi ni Kai kay Raymond, “Daddy!”

Hahaha! Nalilito pa rin si Kai dahil magkamukha nga sina Richard at Raymond.

Ang cute-cute ni Kai habang palipat-lipat ng tingin kina Richard at Raymond.

Siguro iniisip ng bata kung bakit he’s seeing double.

Richard, Bea at Angelica sasabak sa workshop

Nakatsikahan ko rin si Richard tungkol sa movie at series na gagawin nila ni Bea Alonzo.

Sa ngayon daw ay may naka-schedule silang workshop.

‘Yon daw muna ang uunahin nila bago mag-shooting. Kasama nila sa pelikula si Angelica Panganiban, kaya malamang na kasama rin ito sa workshop.

Showbiz couple, break na!

Naku, lalong tumitindi ang tsikang hiwalay na ang isang showbiz couple na parehong hindi active sa showbiz.

Nag-abroad din kasi si girl na hindi kasama si boy, kaya ang iba ay nagsasabing baka hiwalay na talaga ang dalawa.

Well...

Matinding mag-away…

True ba na bago naghiwalay ang isang showbiz sweethearts ay madalas na silang mag-away.

Dinig na dinig nga raw ang sigawan ng dalawa days before na matsikang wala na sila.

Naku!

Rehearsal ng ASAP sa California umabot ng 11 hours

As you read this, nagaganap na ang ASAP in Bay Area.

Nang ka-message ko si Ogie Alcasid kahapon ay ikinuwento niya na katatapos lang nilang mag-rehearse.

Umabot daw ng 11 hours ang rehearsal nila, huh!

Perfectionist kasi ang direktor nilang si Mr. M (Johnny Manahan).

‘Yun na!

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with