My Viral Single Tatay nasa Magpakailanman
(Pang-masa) - August 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang nakamamanghang kuwento, higit sa eleven million na ang views ng viral video ng partisipasyon ng single father na si Ken sa isang palaro ng programang Wowowin. Nagmahal. Nagka-anak. Nasaktan. Ito ang masalimuot na kabuuan ng kanyang pinagdaanan.

Nang magkakilala sina Ken at Mariel sa social media, nahulog agad ang loob nila sa isa’t isa. Nangarap si Ken na bumuo ng isang masayang pamilya kasama si Mariel. Pero hindi ito ikinatuwa ng kanyang mga magulang dahil si Ken ang inaasahan nila sa pagpapa-aral sa kanyang mga kapatid. Dahil dito, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Ken at kanyang pamilya.

Nagsama sila ni Mariel at nabuntis niya ito. Pero sa kalagitnaan ng pagdadalang-tao, ipinagtapat ni Mariel kay Ken ang isang nakagigimbal na katotohanan-- na kasal na siya sa iba at mayroon na siyang mga anak. Pero dahil mahal ni Ken si Mariel, patuloy n’yang ibinuhos ang lahat ng oras at atensyon niya rito huwag lamang silang maghiwalay. Kahit pa nagtangka si Mariel na ilaglag ang nasa kanyang sinapupunan para tuluyan na siyang iwan.

Hanggang kailan mananatili si Ken sa bawal at nakalalasong relasyon na ito?

Sa pangunguna ni Derrick Monasterio, tunghayan ang kabuuan ng masalimuot at nakakaantig na kuwento ni Ken ngayong Sabado sa nangu­ngunang drama anthology sa telebisyon, Magpakailanman.

Makakasama din sa episode sina Faith da Silva, John Kenneth Giducos, Tina Paner, Jenine Desiderio, Perry Escano, Ed Abaigar at Rosemarie Sarita.

 Mapapanood ngayong Sabado, August 3, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman.

WOWOWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with