^

Pang Movies

BF ni Sunshine ‘di raw totoong madatung, anak nabiktima ng bully

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Binura ni Sunshine Cruz ang reklamong bullying ng kanyang anak na si Sam.

Involve ang girlfriend ng pinsan niya sa diumano’y pambubunggo sa anak niya sa eskuwelahan

So nag-usap na kaya sila ng magulang ng nam-bully sa anak niya? Sa post kasi ni Sunshine na burado na, nag-e-expect siya na mag-a-apologize ang parents ng nambunggo sa anak niya na nangyari sa eskuwelahan.

Baka umubra ang reklamo niya sa Facebook.

Sabi nga sa isang quote, ‘you can’t be against bullying without actually doing something about it.’

Ano kayang kahihinatnan ng reklamong bullying ni Sunshine para sa anak na si Sam?

And by the way, aware kaya si Sunshine na pinag-uusapan na diumano’y hindi naman totoong madatung ang boyfriend niyang si Macky Mathay?

Actually ang kuwento pa, dumidikit lang daw ito sa isang Metro Manila mayor ngayon.

Pakiramdam pa ng source, ito ang rason kaya hindi pa sila makapagpakasal at todo kayod din si Sunshine.

Owww…

Bukas ang pahinang ito kung nais magpaliwanag nina Sunshine and Macky.

Jolo tuloy na ang pag-aasawa

Soon to be husband na nga si Vice Governor Jolo Revilla.

Sa kanyang birthday greetings sa girlfriend na ex beauty queen na si Angelica Alita nagpahayag siya ng sobra-sobrang pagmamahal sa kanyang soon to be misis.

“Para sa aking minamahal na irog, maligayang kaarawan sayo! Ikaw ang aking inspirasyon, ang kaisa-isang nagpapatibok ng aking puso. Hangad ko ang kasiyahan, maayos na kalusugan at panatag na kalooban mo para sa mas mahaba pa nating pagsasama. Kahit saan, kahit kailan ikaw lamang! Mahal kita soon to be asawa ko!”

Balitang sa Amerika sila ikakasal bago mag-Pasko.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with