Bela Padilla
Bela sanay maging second choice
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 2, 2019 - 12:00am

Walang problema kay Bela Padilla kahit second choice pa siya sa Metro Manila Film Festival entry na Miracle in Cell No. 7 kung saan ang first choice ay si Nadine Lustre pero tinanggihan nito.

“I’m very happy to take over the role, I’m used to doing this naman, I’m aware na hindi naman tayo laging first choice for a project, but as a fan of Korean shows and movies, I’m very excited to be given a chance to try and portray the character,” pahayag ni Bela nang maka-tsikahan namin sa finale presscon ng Sino ang May Sala? Mea Culpa.

Hindi raw ito first time na nangyari sa kanya na siya ang 2nd choice and mentioned na kahit nga raw ang “100 Tula Para kay Stella ay hindi naman daw siya first choice.

“I really believe it’s what you bring to the project,” she said.

Maging si Nadine ay nagpahayag na rin na happy siya at si Bela na ang gaganap sa role dahil matalino at magaling siyang aktres, ano ang masasabi niya tungkol dito?

“Thank you so much, Nadine, I’m very happy to take this off your hand. I know that you can’t commit to it right now and sana magkatrabaho rin kami soon.

“And I hope whatever she’s going through, at this point in her life, she goes through it well and easily.”

Si Aga Muhlach ang makakasama ni Bela sa movie at sobrang kinakabahan na nga raw siya.

Mylene at Kit dumaan sa mga sensuality workshop

Perfect choices ang magaling na aktres na si Mylene Dizon at ang baguhang aktor na si Kit Thompson sa unang sabak sa pagdidirek ng full-length film ng lawyer-producer na si Joji Villanueva Alonso, ang Belle Douleur (Beautiful Pain) na isa sa exciting entries sa Cinemalaya 2019 ngayong Agosto.

Matapos subukan ang pagdidirek ng short film na Last Order, tinupad ni Atty. Joji ang matagal na niyang pangarap na magdirek ng full-length film.

Ayon kay Atty. Joji sa presscon kahapon, nasa 3rd grade pa lang siya ay gusto na niyang magdirek at noon pa ay talagang mahilig na raw siyang manood ng mga Tagalog films.

“Kasi, I saw film not just a mode of storytelling but very powerful medium. It’s not just an entertainment at all,” sey niya.

Na-inspire ang lawyer-producer ng isang French woman na napanood niya sa social media at kanyang dinibelop na kwento

Hindi siya nag-focus sa May-December affair.

“So, I decided to focus now on the women of Philippine society and how up to this day you continue to be shackled by so many dictates like, ‘oh mag-asawa ka na kasi maiiwan ka ng train, gano’n. O ikaw, wala ka pang anak, ba’t wala ka pang anak?’”

“So, these things over and over again na parang the Filipino woman has been put in a shell, in a mold, in a container despite everything. Hindi pa rin siya nawawala, eh,” rason ng lawyer-producer.

Sa movie, si Mylene ay si Liz, 45 years old at single habang si Kit naman ay si Josh, 26 years old at isang antique dealer.

Ayon kay Atty. Joji, si Mylene lang daw talaga ang kanyang only choice to play the role.

Dumaan sa isang sensuality workshop sina Mylene at Kit bago simulan ang shooting at nakita ni direk Joji ang fire sa tandem ng dalawa.

Magkakaroon ng gala screening ang Belle Douleur ngayong August 3 sa CCP Theater at mapapanood ito sa selected cinemas.

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with