^

Pang Movies

Maja nagkalat ang mga kapamilya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maja nagkalat ang mga kapamilya
Maja Salvador

Wala raw talagang alam si Jobelle Salvador noong kunin siya para sa The Killer Bride na makakasama niya ang pinsang si Maja Salvador at ang pamangking si Janella Salvador. Si Maja ay anak ng kanyang tiyuhing si Ross Rival, samantalang si Janella ay anak naman ng kanyang pinsang si Juan Miguel Salvador.

Pero may biglang revelations si Jobelle na hindi alam ng mga tao, “hindi lang kaming tatlo ang Salvador dito. Kasi si Maja may mga kapatid pa na anak naman ni Tita Malou,” na ang tinutukoy ay si Malou de Guzman.

Noong masalubong namin si Malou de Guzman later on at nasabing may ibinistong ganoon si Jobelle, malakas na tawa lang ang kanyang isinagot at sinabing “hindi na nga ako kumikibo eh ibinisto pa pala ni Jobelle”.

Alam naman ninyo iyang mga Salvador talagang nagkalat sa showbusiness, sabi nga ni Jobelle ang alam niyang naging anak ng kanyang lolo na si Lou Salvador, ang original na master showman ay 86 lahat. Iyon namang 86 na iyon, hindi na niya bilang kung ilan silang magpipinsan.

Kung sabihin nga iyang mga Salvador ang pinaka malaking clan sa showbusiness. Maraming mga malalaking clans, pero hindi nakapasok sa showbusiness ang kasing dami ng mga Salvador. Sa kanila ay maraming naging artista, may naging director, producers at marami pang iba sa industriya.

Kaya nga may panahon noong araw na si direk Leroy Salvador ay nakapag-produce pa ng isang Sunday noontime show sa lumang ABC-5 na ang title ay Showbiz with the Salvadors, na ang mga hosts at pati guests ay kabilang sa kanilang napakalaking pamilya. At hindi sila nauubusan ng performers.

Ang maganda rin kasi sa kanilang malaking pamilya, nagtutulungan sila.

‘Di na pinapansin Maine at Arjo pinagsawaan na

Napansin lang namin, mukhang wala na nga yatang interest bigla ang mga tao sa kuwento tungkol kina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Noong una, may makakita lang sa kanilang magkasama, aba kalat na agad iyan sa social media, at natural pinag-uusapan na rin sa lehitimong media. Lahat ay nakaabang kung ano ang mangyayaring kasunod. Pero matapos nilang aminin ang kanilang relasyon, parang nawalan na ng interest ang mga tao. Ngayon nga panay ang date nila, at sila pa mismo ang nagpo-post noon sa social media, after all wala na naman silang itinatago, pero hanggang doon na lang iyon.

Bakit parang wala nang pumapansin?

Siguro nga masyadong naging palasak na ang usapan. Siguro nga masasabing nagsawa na rin naman ang mga fans, after all hanggang ganoon lang naman talaga iyon. Hindi naman sila magkakatambal sa isang pelikula, o kahit sa TV show man lang.

Female star itinodo na ang pagsawsaw sa mga issue para mapansin

Sinasabi nila, mukhang masyado nang nagi­ging sawsawera ang isang female star. Kasi siguro nami-miss niya iyong panahong ano man ang sabihin niya, ano man ang gawin niya, nagiging balita na agad sa mga diyaryo. Eh ngayon kahit anong pagta-trying hard niya wala na. Kasi naman hindi na kumikita ang kanyang mga pelikula, ang recordings din niya wala namang naging hit.

Ngayon, madalas na nakikisawsaw na lang siya sa issue ng iba para siya mapansin, o kaya gumagawa na lang siya ng sarili niyang publisidad sa social media na mukhang dinadaanan lang naman ng mga nagbabasa. Iba na kasi talaga basta laos ka na.

Hindi ka na pinag-uusapan. End of an era na.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with