^

Pang Movies

Endorsement tambak na Jane biglang tumaas ang star value!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Endorsement tambak na Jane biglang tumaas ang star value!

Ang bongga naman nitong si Jane de Leon na magbibida sa pelikulang Darna ng Star Cinema.

May nagkuwento sa akin na ngayon pa lang ay tambak na ang endorsement inquiries ng young actress.

Actually, may isang kaibigan ako na may jewelry company ang nagtanong sa akin kahapon kung kilala ko ang manager ni Jane dahil balak nilang kuning endorser ang dalaga.

Dahil si Jane nga ang magbibida sa pelikulang Darna, anticipated na ng marami na sobrang sisikat ang dalaga.

Kahit nga sa Instagram account niya ay 1.1 million plus na kaagad ang followers ni Jane.

Once na mag-start na siyang mag-shooting ay tiyak na mas darami pa ang followers ni Jane!

Ruffa na-stress sa traffic sa LA

Maraming celebrities na nagpo-post sa social movie ng tungkol sa sobrang traffic sa ating bansa.

Pero alam n’yo bang madalas ay grabe rin ang traffic sa Los Angeles, California?

Umalis ng L.A. si Ruffa Gutierrez ng 1:30AM ng Friday at pa­punta sa airport ay sobra siyang na-traffic.

Past 11:00PM na nga ay usad “pagong” pa ang traffic, kaya na-stress si Ruffa.

“I hope umabot ako,” sabi niya sa akin on her way to Los Angeles International Airport.

“Nakaka-stress!” sabi pa niya.

Anyway, umabot naman siya sa kanyang flight, pero muntik-muntikan na raw na masarhan siya ng check-in counter.

Eddie may special participation sa TKB

Kasali sa The Killer Bride new teleserye ng ABS-CBN ang isa sa ICON awardees ng The Eddys 2019 na si Eddie Gutierrez.

Special participation bale si Tito Eddie sa teleserye nina Maja Salvador, Joshua Garcia at Janella Salvador.

Sandali nga lang si Tito Eddie sa series na ‘yon dahil ang regular series talaga niya sa Dos ay ‘yung new series ng LizQuen.

Excited na si Tito Eddie na makasama sa taping sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Malapit na raw magsimula ang taping para sa new series ng LizQuen.

Excited na ang LizQuen fans sa series na ‘yon!

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with