Julia, Gerald
True ba? Gerald sinubukan daw iwasan si Julia?
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - July 26, 2019 - 12:00am

Parang hindi naman believable ang kuwento na si Julia Barretto pa diumano ang mas attracted kay Gerald Anderson. Yup, diumano lang naman, umiiwas na raw noon ang actor sa young actress pero sabi nga raw ‘sinong manok ang tatanggi sa palay.’

Di ba parang mas bata naman si Julia kaya paanong siya pa ang mas nag-fall agad sa actor?

Anyway, palala na nga ang mga kuwento sa love triangle nina Bea Alonzo -Gerald – Julia plus Joshua Garcia. Dapat na talaga silang magsalita at ‘wag idaan sa mga paeklay sa social media.

Kaloka parang mas maganda pa ang ‘script’ nito kesa sa mga ongoing teleserye na karamihan ngayon ay tungkol sa pagiging unfaithful.

Trailer ng Prima Donnas, usap-usapan na!

Uy parang marami  ang nasasabik sa nalalapit na pagsisimula ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas. Mapapanood kasi sa trailer ng programa ang pagsasanib-pwersa ng mahuhusay na artista tulad nina Aiko Melendez, Wendell Ramos at Katrina Halili kasama ang   tatlong young stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo. Pasok din sa cast sina Chanda Romero at Benjie Paras kaya tiyak na puno ito ng drama.

Sundan ang nakakaantig na kwento ng tatlong magkakapatid sa Prima Donnas na mapapanood na ngayong Agosto sa GMA Afternoon Prime.

GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with