Bela Padilla
Bela confirmed na kay Aga!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 26, 2019 - 12:00am

Si Bela Padilla at hindi na si Nadine Lustre ang makakasama ni Aga Muhlach sa Philippine movie adaptation ng Miracle in Cell No.7, ang official entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival sa December 2019.

Hindi pa naglalabas ng official statement ang Viva Films tungkol sa desisyon nila na ibigay kay Bela ang role na originally for Nadine.

Tinanong pa naman si Nadine sa presscon noon ng Indak tungkol sa filmfest movie na pagsasamahan nila ni Aga.

Ang alam ko, magkasunod dapat ang story conference ng Miracle in Cell No.7 at ng Indak pero nakansela ang storycon ng Aga-Bela movie. Kung natuloy ang storycon noon, sure na mismong ang Viva ang magkakaroon ng announcement na ipinalit kay Nadine si Bela.

Nawala man siya sa cast ng Miracle in Cell No.7, may pelikula na naghihintay kay Nadine, ang reunion movie nila ng kanyang boyfriend na si James Reid na parang Pinoy adaptation din ng isang Korean movie.

Strangers... mas swak sanakuhang playdate

Excited na si Anne Curtis sa nalalapit na showing sa August 21 ng Just A Stranger, ang unang pelikula niya para sa 2019.

Mahigpit ang imbitasyon ni Anne sa lahat ng kanyang mga nakakausap dahil proud siya sa pelikula nila nina Edu Manzano, Cherie Gil at Marco Gumabao.

Kinunan sa Lisbon, Portugal ang mga mahahalaga na eksena ng Just A Stranger at makikita ito sa trending full trailer ng coming soon movie ng Viva Films.

Good playdate ang August 21 dahil holiday ito kaya lalong na-happy sina Anne, Marco at ang direktor na si Jason Paul Laxamana.

Pagkatapos ng promo at showing ng Just A Stranger, magiging busy na si Anne sa shooting ng Momalland, ang comedy movie nila ni Vice Ganda na official entry naman sa 45th Metro Manila Film Festival.

For this year, tiniyak ni Anne na two movies lang ang kanyang gagawin dahil ayaw niya na mawalan ng buhay. Noong nakaraang taon, tatlong pelikula ang magkakasunod na ginawa ni Anne kaya nangarag siya nang husto.

Yasmien pinasok na rin ang vlogging

Halos dalawang buwan lang na nagpahinga si Yasmien Kurdi dahil back to work na siya.

Kahapon ang unang taping day ni Yasmien para sa Beautiful Justice, ang upcoming drama-action primetime television series ng GMA-7 na napipisil na ipalit sa Sahaya kapag natapos na ito.

Ang Hiram Na Anak, ang huling teleserye project ni Yasmien na nag-babu sa ere noong May 3, 2019.

Kahit two months siya na hindi nag-taping, hindi nawalan si Yasmien ng mga pinagkakaabalahan dahil ang kanyang asawa at anak ang inaasikaso niya.

Nagbiyahe rin si Yasmien at ang kanyang pamilya sa iba’t ibang lugar kaya nagkaroon siya ng vlog na milyun-milyon na ang views.

Nahihilig si Yasmien sa vlogging dahil hindi niya inaasahan na magiging mainit ang pagtanggap ng publiko sa kanyang mga video na talagang pinag-iisipan at pinaghahandaan niya.

I’m sure, lalong sisipagin si Yasmien na mag-vlog dahil sa mga activity niya at ang kanyang mga co-star sa Beautiful Justice.

Bitoy-Dawn movie hindi palabas sa ibang cinema

Nag-e-emote ang ibang moviegoers dahil hindi raw palabas sa kanilang favorite cine­ma ang Family History ng GMA Pictures. Gustung-gusto pa naman nila na panoorin ang pelikula dahil sa good reviews na nababasa at naririnig nila.

Actually, palabas ang Family History sa mga sinehan ng malalaking malls at ito ang puwedeng puntahan ng mga excited na mapanood ang pelikula nina Michael V. at Dawn Zulueta.

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with