^

Pang Movies

Beteranang aktres na si Chanda may paalala sa mga katrabahong millennial

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Beteranang aktres na si Chanda may paalala sa mga katrabahong millennial
Ms. Chanda Romero

Kabilang si Ms. Chanda Romero sa ilang veteran stars na aktibo pa rin sa paglabas sa mga teleserye.

Higit na 48 years na si Chanda sa entertainment industry at ilang heneras­yon na ng artista ang kanyang nakatrabaho na.

Sa bagong teleserye ni Chanda, makakatrabaho niya ang millennials na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo sa Prima Donnas.

Nag-share nga ng ilang words of wisdom si Chanda sa kanyang mga bagong makakasama sa teleserye.

“One thing talaga that I can say is you have to love what you’re doing. You appreciate it. You appreciate the little things that it offers you as a person.

“Kasi you’re not just enriching your craft, every day you report to the set, you’re being enriched as a person, kasi nakikita mo on a personal level ang maraming tao.

“And it’s up to you how to react to them, how to co-exist with them or how to melt into their worlds on a one-on-one basis. But, on the whole, love the craft,” ngiti pa ni Chanda.

Pinakaimportante raw sa isang artista ay ang may pagpapahalaga sa trabaho. Isipin parati na may puwedeng pumalit sa kanila anytime.

“Noon kasi in the ‘70s, most of us, mga co-stars ko, we loved what we were doing. And we valued it as a craft.

“Sadly, it’s not the same now because some people look at it as just a money-maker. It’s not. It shouldn’t be.

“There will be someone younger, someone more beautiful, but it’s not every year na mayroong ipapanganak o may susulpot na mahusay na aktor.

“Ang sikreto talaga is to love acting. Love it and grow with it,” diin pa ni Chanda.

Hindi nga dapat ibale-wala ng mga kabataang artista ngayon ang mga payo ng isang Chanda Romero na isang award-winning actress (1982 FAMAS Best Supporting Actress for Karma; 1979 Gawad Urian Best Supporting Actress for Boy Pana) at nakatrabaho ang mga mahuhusay na direktor tulad nila Lino Brocka, Ishmael Bernal, Celso Ad Castillo, Danny Zialcita, Maryo J. delos Reyes, Elwood Perez, Laurice Guillen, Eddie Romero, Romy Suzara, Mike de Leon, Marilou Diaz-Abaya, Chito Roño, Emmanuel Borlaza, Mel Chionglo at Carlito Siguion-Reyna.

Taylor at Ariana may tapatan sa 2019 MTV!

Maglalaban sina Taylor Swift at Ariana Grande sa 2019 MTV Video Music Awards.

Kapwa nakakuha ng tig-10 nominations sina Taylor at Ariana, kabilang na rito ang Video of the Year at Song of the Year. In-announce ang official list of nominees noong nakaraang Martes, July 23.

Dalawang hit single ni Taylor ang nakakuha ng iba’t ibang nominasyon. Ito ay ang ME! at You Need To Calm Down.

Si Ariana naman ay naging pambato ay ang hit single niya na Thank You, Next, God Is A Woman at 7 Rings.

Nakakuha rin ng maraming nominations sina Billie Eilish at Lil Nas X.

Two new categories ang in-announce this year, ito ay ang Best K-pop and Video for Good.

CHANDA ROMERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with