^

Pang Movies

ABS-CBN at DZMM, wagi bilang Best TV at AM radio station

Pang-masa
ABS-CBN at DZMM, wagi bilang Best TV at AM radio station
DJ Chacha

MANILA, Philippines — Muling pinatunayan ng ABS-CBN na ito ang paboritong network ng mga dating estudyante ng De La Salle University-Dasmarinas (DLSU-Dasma) matapos iuwi ang mga natatanging parangal sa radyo at telebisyon sa ikalawang Animo Media Choice Awards.

Tinanggap ng Kapamilya network ang tropeo bilang Best TV Station, habang kinilala naman ang DZMM Radyo Patrol 630 bilang Best AM Station sa naturang awards, na ginanap sa Grand Alumni Homecoming ng paaralan noong Hulyo 20.

Samantala, nanalo rin ang flagship news program ng ABS-CBN na TV Patrol bilang Best TV News Program habang si Lingkod Kapamilya sa DZMM anchor Bernadette Sembrano ang tinanghal na Best Female AM Radio Anchor, at si DJ Chacha naman ng Kapamilya FM radio station na MOR 101.9 ang nagwagi bilang Best FM Female DJ.

Ito ang ikalawang taon na tinanggap ng Kapamilya network ang pinakamataas na parangal sa telebisyon sa Animo Media Choice Awards, kung saan pinagbotohan ng alumni ng DLSU-Dasma ang mga nanalo.

vuukle comment

DJ CHACHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with