^

Pang Movies

Habang binibira sila ni Gerald, Julia beach ang iniisip!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Habang binibira sila ni Gerald, Julia beach ang iniisip!
Julia Barretto

Habang nagkakagulo ang fans dahil sa issue sa kanila ni Gerald Anderson, chill lang si Julia Barretto. Beach ang iniisip niya.

Ito ay base sa kanyang IG post kahapon. ‘We’re down to our last few days of shooting Block Z and while it’s been quite busy and hectic again, I’m looking forward to my next beach trip,” aniya.

At bongga, hindi siya mabira hanggang kahapon dahil disabled pa rin ang comment box ng kanyang IG account.

Ryan Bang may bagong karibal 

Nahanap ni Ryan Bang ang katapat niya bilang ang natatanging Korean host sa number one noontime show na It’s Showtime dahil sa KapareWho Surprise segment ng programa na mainit na pinag-usapan sa social media.

Sa Friday (Hulyo 19) episode ng It’s Showtime, paulit-ulit na tinutukso ng hosts na sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, and Vice Ganda si Ryan na mapapalitan na siya ni Song-yupsal, isa sa tatlong Pinoy at heart na Koreano na nakipagtagisan para mapili ng dalawang Pinay na K-pop fans sa hit compatibility segment.

Patok na patok ang segment sa mga manonood dahil bukod sa tuloy-tuloy na paghalakhak ng studio audience ay buong araw din itong pinagusapan hanggang gabi.

Kaya naman noong Lunes (Hulyo 22), sumabak na sa hosting ang YouTube vlogger na si Song-yupsal, na ang totoong pangalan ay JinHo Bae, isang singer-vlogger na 16 na taon nang naninirahan sa bansa.

Inabangan ng netizens ang “banggaan” nina Ryan at JinHo kaya naman nag-trend din ang hashtags na #SaveRyanBang, #ShowtimeBetnaBetFriends, at #JinHoBae sa top 5 spots online worldwide at sa Pilipinas noong Lunes.

Ang pagfi-feature ng mga Koreano sa natu­rang compatibility segment ay bahagi ng KapareWho Surprise, kung saan tampok ang dalawang Who-mahanap o mga dalaga o biyuda na kinikilatis ang mg Kala-who-k, tatlong lalaking nakamaskara tampok ang iba’t ibang celebrities at nakakatuwang pagma-match ng mga taong naghahanap ng kaibigan o makakasama.

 Sa pamamagitan ng mga tanong at hamon, pipili ang dalawang “Who-mahanap” ng napupusuang maging kasama o kaibigan.

Drama / Comedy movie Family History showing na

Ngayong araw na mag-uumpisang mapanood sa mga sinehan ang drama / comedy movie Family History na Graded B ng  Ci­nema Evaluation Board, na produced, directed, written and starring Michael V. with Dawn Zulueta.

Light ang approach ni Bitoy sa pelikulang kuwento tungkol sa pagmamahalan ng mag-asawa pero susubukan ng health crisis ng misis na may malaki palang kasalanan sa mister.

Basta nakakatawang nakakaiyak ang pelikula na pinagpaguran at ginastusan ni Michael V at GMA 7.

Kagabi ginanap ang premiere night ng pelikula na dinaluhan ng maraming Kapuso stars na pawang positive ang mga reaction pagkatapos panoorin ang Family History.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with