^

Pang Movies

Liza handa na uling magtrabaho

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Liza handa na uling magtrabaho
Liza Soberano

May nakasuot pang brace sa kamay ni Liza Soberano nang dumating siya sa Pilipinas noong isang araw. Hindi naman na raw kritikal ang lagay ng kanyang daliri pero nilalagyan lang ng brace para siguradong hindi iyon magagalaw.

Magaling na ang sugat sa operasyon ng kanyang daliri, pero ang pagpapaga­ling daw nun ay mga isang buwan pa, kaso naiinip na rin siya sa U.S. kung saan three months siyang nanatili.

Natsismis pa tuloy na buntis siya.

May kuwento si Liza tungkol sa bakal sa kanyang daliri, tumutunog daw iyon pag dumadaan sa mga scanner, kaya siguro darating ang araw na kailangan niyang ipaliwanag iyon sa tuwing dadaan siya sa mga security scanner.

Aminado siyang sa loob ng tatlong buwan, inip na inip siya sa US kahit na kung saan-saan sila namasyal doon. Hindi raw kasi siya sanay nang wala siyang ginagawa.

Eh dito nga naman sa Pilipinas, sunud-sunod ang kanyang trabaho, pero kailangan niyang magpagamot sa U.S. dahil doon lamang may facilities para sa kanyang daliri.

Ngayon nakahanda na raw siyang magbalik sa kanyang trabaho at may pelikula raw siyang gagawin agad bukod pa sa isang serye na gagawin din nila ni Enrique Gil. Kailangan lamang niyang magpahinga pa ng ilang araw matapos ang kanyang biyahe, tapos back to work na nga siya.

Marami na rin naman ang naghihintay sa pagbabalik ni Liza. Kung iba iyan, nakalimutan na ng fans basta nawala nang ganyan kahaba.

Mabuti nga siya, ang fans niya ay talagang naghintay sa kanyang pagbabalik.

Aba mahirap naman silang humanap ng kagaya ni Liza talaga.

Hopefully, wala nang maging problema sa pagbabalik niya.

Pahayag ni Phillip sa mga kritiko ni P. Duterte, pinag-usapan!

Hindi lang ang State of the Nation Address ni Presidente Rodrigo Duterte ang pinag-usapan. Sa social media, mas pinag-usapan ang ‘SONA ni Phillip Salvador’. Isang napaka-iksing interview iyon sa aktor habang siya ay pumapasok sa Kongreso para sa SONA. Tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa mga kritiko ni Presidente Digong. Maliwanag naman ang kanyang sagot, “ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng bansa, sa ikabubuti ng lahat ng Pilipino, pero binabatikos pa rin siya. Kaya sa inyo pong lahat na bumabatikos pa, mamatay kayong lahat. Salamat po.” Sabay talikod niya sa mga camera, kasunod si Robin Padilla na maririnig mong humahalakhak pa sa sinabi ni Ipe.

Hindi namin alam kung nagkaroon ba ng mga pangyayaring hindi maganda bago niya nasabi ang ganoon. Hindi natin alam eh, kasi ang dinaanan nila along the way papunta roon, rally ng mga kritiko ng presidente. Kami man nabigla rin sa isinagot ni Ipe. Kasi sa pagkakakilala namin, hindi siya ganyan.

GMA nakipagkasundo sa South Korean Embassy

Nagkapirmahan na ang GMA Network at ang South Korean Embassy ng isang memorandum of agreement sa pagtutulungan sa Korean shows na inilalabas sa telebisyon. Ibig bang sabihin niyan makokopo na ng GMA ang lahat ng magagandang Koreanovela? Kung ganoon wala nang makukuha ang kalaban nila kung di iyong mga gawang China, o magbabalik sila sa Mexico.

Eh sa ngayon mga Koreano ang sikat sa drama, at maski na sa musika. Mukhang nautakan na naman sila ng GMA-7 sa mga bagay na iyan.

Kung sa bagay, GMA naman talaga ang nauna sa mga Koreanovela.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with