^

Pang Movies

Dayanara wala sa hitsurang may cancer

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Dayanara wala sa hitsurang may cancer
Dayanara Torres

Hindi ko napansin na medyo tumaba si Miss Universe 1993 Dayanara Torres nang makita’t makatsikahan ko siya noong Sunday sa backstage ng Miss Philippines USA na ginanap sa Alex Theater sa Glendale, California kung saan isa siya sa mga nakasama nina Ruffa Gutierrez at AiAi delas Alas na nag-judge.

May nagtsika lang sa akin na sinabi mismo ni Dayanara na tumaba nga raw siya.

Pero in fairness, ang ganda pa rin niya.

Ang tsika, nagpapa-treatment pa raw si Dayanara sa kanyang skin cancer.

Pero mukhang ang healthy naman niya!

Pops at Martin sa US muna

Ang Miss Filipina International beauty pageant ngayong Saturday sa Redondo Beach Performing Arts Center sa Redondo Beach, California.

Sina Pops Fernandez at Martin Nievera ang magho-host at special performer si Gary Valenciano.

Uso ang mga beauty pageant sa Los Angeles area.Nasa L.A. na si Martin at kasama niya ang bunsong anak na si Santino, pati sina Robin at Ram. Si Pops, kahapon naman umalis ng Philippines.

Magtatagal ang ex-couple sa Amerika dahil sa concert series nila, ang Two-gether Again, plus may ASAP in Bay Area (San Jose) rin sila on August 3 na star-studded event ng TFC (The Filipino Channel).

Manny sinalubong ng mga kapwa senador

Ang pag-welcome kahapon ng kanyang mga kasamahang senator sa ating Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao.

Tutok na naman si Manny sa kanyang pagiging senator after ng boxing fight niya noong Sunday against Keith Thurman.

Looking good si Manny sa picture na pinost ni Sen. Sonny Angara. Looking happy naman ang mga kasamahan niyang senator sa pagpapa-picture kasama siya!

Demanda ni Marjorie inaaba­ngan kung panakot lang

Globally ay inaabangan ang sinasabing balak ni Marjorie Barretto na mag-file ng demanda sa netizen na nag-post ng picture ng anak na si Julia Barretto kasama si Gerald Anderson at pinalalabas na magka-“date” ang dalawa.

Ayaw magpahuli ng mga Pinoy globally tungkol sa “gusot” sa relasyon nina Gerald at Bea Alonzo na “nasasangkot” si Julia dahil sa pinost na picture ng netizen na ‘yon.

Nakaagaw sa mga pangyayari sa SONA ni President Rodrigo Duterte ang usapin tungkol kina Bea-Gerald-Julia.

Ang nasabing issue ang most talked about showbiz news ngayon, huh!

‘Yun na!

DAYANARA TORRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with