^

Pang Movies

Liza na-feel agad ang pagiging ‘superhero’ ni Jane!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Liza na-feel agad ang pagiging �superhero� ni Jane!
Jane, Liza

Dumating na nga si Liza Soberano sa bansa mula sa successful finger surgeries sa US. Halos tatlong buwan ring nawala ang aktres at thankful naman siya dahil nawala na raw ang sakit ng kanyang daliri at looking forward na siya sa paggaling nito, although aniya ay maaaring hindi na ito mag-function as before.

Sumalang na nga agad si Liza sa kanyang first interview with Ogie Diaz na ini-upload ng manager sa YouTube vlog at dito ay nagbigay ng update ang dalaga kung ano ang mga plano niya ngayon, pati na ang reaksyon niya sa pumalit sa kanya bilang Darna na si Jane de Leon.

Napabalita na nga ang pagte-text ni Liza kay Jane as soon as the announcement came out at binati niya ito. Nagbigay na rin ng pahayag ang aktres that she’s happy for the new Darna.

Ayon kay Liza ay wala raw siya talagang kutob at all kung sino ang kukuning Darna pero nang makita raw niya ang face ni Jane, na-feel na niya agad sa aura nito ang pagiging superhero.

“Sabi ko, ‘oh my gosh, mukha siyang superhero.’ May ganu’n eh,” sabi ni Liza.

Tulad din daw ng nakita niya kay Gal Gadot sa trailer ng Wonder Woman, ganu’n din daw ang naramdaman niya kay Jane.

“Sabi ko, ‘oh my gosh, she’s meant to be a superhero.’ Tapos ‘yung mukha niya, maganda talaga siya as in parang innocent pero may sense of strength,” sabi pa ni Liza.

Ayon pa sa aktres, in-invite raw niya for dinner si Jane kung available ito.

“I asked her for dinner kung available pa siya. I’m sure busy na siya sa training, workshop. Kasi, when I was still doing that, sobrang busy ko sa training and workshop, so I’m sure, siya rin. Sana, magkaroon siya ng time coz I wanna meet her in person and gusto ko lang siyang i-comfort.

“Kasi, I know it’s really hard, sobrang pressure ‘yun para sa kanya, especially bago siya, so she probably she doesn’t know how it works yet,” pahayag pa ni Liza.

As for her, may teleserye raw silang gagawin ng boyfriend at ka-loveteam na si Enrique Gil at sobrang excited na raw siya dahil maganda raw ang materyal.

 “We’re going to be shooting in 2 different locations na hindi pa namin napupuntahan, ‘yung isa ang hindi pa namin napuntahan ever here in the Philippines. And then, there will be another place na hindi ko pa puwedeng sabihin.

“Also, magkakaroon kami ng bagong hobby, I think, meron kaming inaaral ngayon na gawin, I can’t say it yet. The story actually revolves around that. So we have to learn how to do that certain thing,” sey pa ng aktres.

May mga therapy pang gagawin sa kanyang daliri pero dito na lang sa Pilipinas gagawin. Naka-cast pa nga rin ito sa ngayon and since right handed siya (right index finger ang inoperahan), nasasanay na nga raw siya na gamitin ang left hand kahit sa pagkain at pagsusulat.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with