^

Pang Movies

Jane todo sa pag-aaral ng mga stunt

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Jane todo sa pag-aaral ng mga stunt
Jane de Leon

Nadine Lustre would have made an ideal Darna, sa totoo lang.

Ganun pa man, sa isang interview sa presscon ng Indak, ang kanyang soon-to-be released dance movie with Sam Concepcion, sinabi niyang wala raw siyang panghihinayang na naramdaman kung hindi man sa kanya napunta ang role, kung hindi kay Jane de Leon. Nonetheless, she would consider the idea of doing it, well if it was offered to her.

Hindi rin daw niya naisip na mag-audition para sa nasabing role.

Hindi raw siya close kay Jane pero masaya siya at napunta dito ang role. Winish din niya ito ng good luck.

Of Jane, kasalukuyan siyang busy sa paghahanda sa role bilang Darna, with her director, Jerrold Tarog, closely guiding her.

Nagwu-workout siya at nag-aaral ng stunts with several stuntmen patiently training her.

Pagdating naman sa pag-arte, napatunayan na ng young actress ang kanyang kakayahan. Marami siyang natutunan nang makasama siya sa serye si Jericho Rosales na gumanap na kanyang kuya, at si Amy Austria, pumapel bilang kanyang ina sa popular series na Halik.

May dalawang movies to her name na si Jane, ang Walwal at The Debutantes, parehong produced by Regal Entertainment.

Mga lumang pelikula magkakaroon na ng sariling sinehan

Kudos to ABS CBN’s Sagip Pelikula, which recently won an international Gold Quill na ginanap sa Vancouver Canada ng International Association of Business Communicators.

Mismong si Leo Katigbak, head ng ABS-CBN Film Restoration, na siyang may project ng Sagip Pelikula, ang tumanggap ng award.

Ayon kay Sir Leo, napakagandang proyekto itong Sagip Pelikula dahil it will allow millennials na mapanood ang mga classic film natin na nai-produce years back, noong hindi pa sila naipapanganak.

Dahil dito ay mapapanood pa ito ng future generations, thus allowing them the chance to have an idea of the kind of cinematic creations bago pa man ang pagpo-produced.

Launched in 2016, Sagip Pelikula pro­mises to restore more films, some of which have already been screened in various platforms.

A big number have been screened abroad, as participants sa various international filmfests.

Magkakaroon na rin ng sinehan sa Greenbelt Mall in partnership with the Ayala Malls, dedicated lang sa  restored movies na gawa ng Sagip Pelikula.

More power Sir Leo.

Xian gustong idirek sina Ate Vi, Kim at Boyet

With his first directorial job na Tabon, marami nang balak pang pelikulang type idirek si Xian Lim, isa nga rito ay ang pelikulang pagbibidahan daw sana ni  Vilma Santos.

Nakasama na ni Xian si Ate Vi sa pelikulang Everything About Her, with Angel Locsin as his other leading lady. Labis daw na na-impressed si Xian kay Ate Vi, di lang dahil napakagaling daw nitong umarte, kung hindi napakabait pa.

Nasa list pa rin ng mga artistang type maidirek ni Xian si Christopher de Leon at ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu.

Ang Tabon na pinagbibidahan nina Christopher Roxas, Ynna Asistio, Dexter Doria, Benjie Felipe at Menggie Cabarrubias ay entry sa upcoming Cinemalaya Film Festival, which will run from August 2 to 11. All entries will be shown sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

May movie siyang ginawa for Viva Films, kung saan leading lady niya si Cristine Reyes.

With ABS-CBN, Xian said he has an upcoming teleserye, with Kim and Erich Gonzales.

Coney gusto nang pag-asawahin si Vico

Guess what’s foremost in actress-host cum religious leader Coney Reyes’ mind these days?

Gusto raw niya mahanap na ng kanyang anak na si Vico ang ideal girl na puwede nitong pakasalan sa tamang panahon.

Si Vico, of course, ay ang newly elected Pasig City Mayor. Hinahangaan siya ngayon pa lamang kung paano niya pinamamahalaan ang siyudad na kanyang nasasakupan.

Dalangin daw ni Coney na kung sinuman ang babaeng magiging kapalaran ng anak, maka-Diyos din daw ito.

Mayor Vico is the youngest sa tatlong anak ni Coney. With her late husband, top cager Lawrence Mumar, she has two, Carla and LA.

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with