Nadine Lustre
Nadine pumiyok sa awayan nila ni Kathryn
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

Sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo ang tila pinagsasabong ngayon sa showbiz at itinuturing na magkaribal na parang Nora Aunor at Vilma Santos daw. Maging sa awards nga raw ay tila nagpaparamihan ang dalawang aktres.

Pero kung si Nadine ang tatanungin ay okay daw sila ni Kathryn at hindi naman sila magkaaway in real life. In fact, nang matanong kung gusto ba niyang makasama in one project si Kathryn, aniya ay bakit naman daw hindi.

“Kung meron namang magandang materyal para sa aming dalawa,” she said.

Pero may nagsasabi rin namang si Nadine ang nangunguna ngayon sa mga aktres at nau­ngusan na ang kanyang mga kasabayan and to this, sey ni Nadine, siguro raw ay kanya-kanyang time lang.

“I guess, maybe, it’s my time lang now. I don’t think naman na it’s gonna be forever. Like what I said before, iba’t iba kami. So, baka ngayon lang ‘yung moment ko, and then, next time, iba naman,” pahayag ng aktres.

Nahingan din ng reaksyon si Nadine sa bagong bansag sa kanya na Beyonce of Southeast Asia, natawa ang aktres at sambit niya, “saan po galing ‘yun?”

Hindi raw siya makapaniwala na may ganitong bansag sa kanya at hindi raw niya alam kung paano nangyari.

Nadine is starring on a dance musical film na Indak kung saan ay kapareha niya si Sam Concepcion under Viva Films. Showing na ang pelikula sa Aug. 7.

Bianca at Migo matindi ang chemistry

Napakaraming fans ng bagong tambalan nina Bianca Umali at Migo Adecer sa Sahaya. Sa serye ay love ­triangle silang tatlo ni Miguel Tanfelix at sey ni Migo, ang alam lang niya ay third party lang siya’t never in-expect na maghi-hit din ang tandem nila ng aktres.

Ngayon nga lang daw nangyari sa kanya ang ganito na tuwing lalabas siya ng bahay ay Jordan (name ng character niya sa Sahaya) ang tawag sa kanya.

Ang dami ring nagru-root sa character niya para makatuluyan ni Sahaya (Bianca) na first time niya ring na-experience.

“They told me, I was gonna be, you know, part of the loveteam, a triangle. Pero I thought na mas magiging supportive character lang si Jordan. And I don’t even think that Sahaya (production team) knew that me and Bianca would click. It just happened,” pahayag ni Migo.

Bago raw ang pakiramdam na ito sa kanya at parang hindi pa siya makapaniwala na ang daming nagkakagusto sa kanyang karakter at kinakikitaan sila ni Bianca ng matinding chemistry.

Unforgettable scene nga para sa manonood ang rain scene nila ni Bianca na nagmistulang sexy scene.

Sa tingin daw niya, sa eksenang ‘yun na-establish officially ang JorSah (Jordan and Sahaya) tandem. Doon daw nakita talaga ang relevance ng kanyang karakter.

“I guess you could say, we were blessed with that scene,” natatawa niyang sabi.

Parang porno nga raw lumabas ang eksena ayon sa mga nakapanood at talagang may naramdaman ang televiewers na “sexy feel.”

Hindi raw niya alam ang magiging ending ng serye – kung si Sahaya ba ay mapupunta kay Jordan or kay Ahmad (Miguel) at happy naman siya na marami rin ang team JorSah na nagwi-wish na ang karakter niya ang makatuluyan ni Sahaya.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with