Ruffa Gutierrez
Ruffa nagbigay ng libreng ‘viewing’ sa laban ni Pacquiao
Gorgy Rula (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

Nagbunyi kahapon ang buong sambayanan sa pagkapanalo ni Sen. Manny Pacquiao via split decision kay Keith Thurman.

And dami ring mga kababayan natin ang pumuno sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas na masayang-masaya sa pagkapanalo ng ating Pambansang Kamao.

Dito naman sa atin ay nakapag-pay per view ang may budget, pero ang iba ang tumutok na lang sa radio.

Natuwa naman ako kay Ruffa Gutierrez na nag-live sa kanyang Instagram account na tinutukan ng mga followers niya.

Umabot nang mahigit tatlung libong followers ang nanood sa IG live ni Ruffa at isa na ako run sa nanood hanggang sa natapos.

Nandun siya sa venue kasama ang mga kaibigan niya at hindi niya talaga ito tinantanan. In-IG live niya mula round 1 hanggang sa announcement nang pagkapanalo ni Pacquiao.

Nakakaaliw pa ang annotation ni Ruffa na panay lang ang tili. Nagtatanong lang ito sa mga katabi niya kung may puntos si Pacquiao o wala, bilang hindi naman niya alam ang mechanics ng laban.

Kaya kahit medyo nakaka-tense nang pa­noorin ang bakbakan ng dalawang boksingero, medyo gumagaan kahit papaano dahil nakaka­aliw ang mga komento ni Ruffa.

Naririnig din naming may mga ilan pang nano­nood sa bandang likuran niya na nagsasalita ng mga di magagandang komento laban kay Pacquiao at dagdag pa iyun sa irita at stress kay Ruffa.

Hindi lang niya puwedeng awayin, ang naririnig na comment ng “Go Manny Nanny!” kaya bumubulung-bulong lang ito sa IG Live na naloloka na raw siya sa mga tao sa likuran niya.

Nung binanggit ang unang announcement na split decision, hindi naintindihan ni Ruffa kung ano ang ending ng laban. “Ano yun tie?” tili ng actress/TV host.

Bandang huli na lang siya halos mapaos sa katitili nang in-announce na ang pride of the Philippines, si Sen. Pacquiao ang champion.

Ang daming nagpapasalamat  ay Ruffa dahil napanood nila nang libre ang laban sa kanyang IG live.

Naaliw pa sila sa mga side comments ni Ruffa na walang kamalay-malay sa takbo ng laban. Basta sigaw lang siya nang sigaw ng nakakatawang tili mala-Ruffa na “Oh my gosh! Go Manny!”

Jeremy nagbantay sa concert ni Julie Anne

Dahil sa naging successful ang concert na Julie Sings the Divas ni Julie Anne San Jose na ginanap sa The Theater at Solaire nung nakaraang Sabado, ang dami tuloy producers ang nagka-interes na ipag-produce siya ng concert.

Galing pa nga sa sakit si Julie Anne kaya medyo hirap pa siya sa pagkanta dahil medyo ngongo pa raw siya nung isina­lang siya sa stage.

Mga sikat na awitin ng dalawampung divas ang kinanta ni Julie Anne na inareglo ni Maestro Danny Tan.

Pinakagusto namin ang The Way He Makes Me Feel ni Barbra Streisand, ang Broken Vow ni Lara Fabian, pati ang Proud Mary ni Tina Turner.

Thankful si Julie Anne sa Diyos na nairaos niya ang concert kahit masama pa ang pakiramdam niya.

Sabi niya sa kanyang IG post kahapon; “Sooo grateful for last night! Thank you to my team and everyone who put in extra hours to bring in ano­ther successful project, it would not be complete without these highly talented, hardworking and inspiring people. To my supporters, my friends and my family, I can’t thank you enough for the love and continuous support. To God be the glory; this is definitely one for the books.”

Suportado si Julie Anne ng mga taga-GMA-7, ang mga kasamahan niya sa Sunday PinaSaya at sa Studio 7.

Tumayo pa si Andre Paras na proud na proud sa kaibigan. Katabi ni Andre ng upuan ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Panay ang kantiyaw niya kay Mavy dahil matagal na pala nitong crush si Julie Anne.

Namataan ko ring nanood doon si Jeremy Marquez na may crush din sa Kapuso singer/actress.

Nanood din doon ang mga close friends ni Julie Anne na sina Barbie Forteza kasama si Jak Roberto, Gladys Guevarra, sina Christian Bautista, Mark Bautista, Winwyn Marquez at pati si Sam Concepcion.

Proud ang mga taga-GMA Artists sa bagong achievement na ito ni Julie Anne na nakapag-concert accompanied by UP Arco Orchestra at backed-up pa ng UP Concert Chorus na sina Regine Velasquez at Lea Salonga pa lang daw ang nakagawa.

Kaya na-elevate na into diva level si Julie Anne pagkatapos ng concert na ito.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with