Keith, Manny
Keith Thurman malaki pa rin ang naiuwi kahit talunan
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

Ngayon ang hinihintay na State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte pero hindi makakadalo si Senator Manny Pacquiao at ang misis nito na si Jinkee Pacquiao dahil nasa Amerika pa ang mag-asawa.

Ang SONA ni Papa Digong ang reason kaya walang senators at congressmen na lumipad sa Las Vegas para panoorin ng live ang laban ni Papa Manny sa American boxer na si Keith Thurman na natalo pero nag-uwi pa rin ng malaking halaga ng datung.

Holiday ngayon ang mga estudyante sa Quezon City dahil sa deklarasyon ni Mayor Joy Belmonte. Naiinggit nga ang ibang mga estudyante sa Metro Manila dahil may mga pasok sila sa school na hindi naman sakop ng Quezon City.

OOTD ng mga senador at kongresista sa SONA inaabangan

Bukod sa report ni Papa Digong sa sambayanang Pilipino, inaabangan ang kanyang State of the Nation Address (SONA) dahil sa mga outfit na isusuot ng mga senador, kongresista at ng kanilang mga asawa.

Matagal na panahon na naging fashion show ang SONA dahil pabonggahan sa damit ang mga invited guest pero naging simple ang kanilang pananamit mula nang si Papa Digong ang mahalal na pangulo.

Nahiya ang mga “fashion plate” na magpabongga dahil nakonsensya sila na baka matalbugan nila ang president at ang pamilya nito na kilala sa pagiging simple.

Alfred kasama na uli si Yasmine sa pagrampa sa SONA

Noong nakaraang taon, ang youngest daughter na si Aryana ang kasama ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas sa State of the Nation Address ni Papa Digong.

Last year, buntis sa kanilang bunso ang misis ni Alfred na si Yasmine Vargas at pinayuhan ito ng complete bed rest ng kanyang doktor dahil sa kanyang maselan na kalagayan.

This year, kasama na ni Alfred sa SONA si Yasmine dahil maayos na maayos na ang kalusugan nito. Happy mother si Yasmine dahil cute na cute ang bunso nila na si Alfredo Cristiano kaya sulit na sulit ang mga dusa na pi­nagdaanan niya noong nakaraang taon.

Kahit hindi sabihin ni Yasmine, alam ko na ang kanyang favorite fashion designer na si Stephanie Tan ang gumawa ng damit na gagamitin niya ngayon sa SONA.

BFF ni Yasmine si Stephanie na anak ng Seiko Films producer na si Robbie Tan na ninong nila ni Alfred sa kasal.

Malaki ang naitulong ng Seiko Films sa showbiz career ni Alfred na maraming natutunan mula kay Robbie tungkol sa pagpo-produce ng mga pelikula.

Sa Morato Street ang shop ni Stephanie na hindi mahirap ha­napin dahil katabing-katabi lang ng Annabel’s restaurant.

Samantala, bukod sa mag-asawang Alfred at Yasmine, inaabangan din ang pagrampa sa SONA ni Congresswoman Loren Legarda, Congresswoman Lucy Torres at ng mister nito, ang Ormoc City Mayor na si Richard Gomez, Congressman Yul Servo, Congresswoman Vilma Santos-Recto and husband Senator Ralph Recto.

Tiyak na dadalo rin si Dan Fernandez na muling nahalal na congressman ng 1st District ng Laguna. Tingnan natin kung isasama ni Dan sa SONA ang kanyang misis na si Shiela Ysrael.

I’m sure, makikita rin natin sa SONA si Phillip Salvador na very close kay Senator Bong Go.

KEITH THURMAN MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with