Barbie Imperial
Barbie wala pang idea sa susunod na ka-loveteam
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

Since hindi kami gaanong magkakilala at close ni Barbie Imperial, pinakiramdaman namin ito kung siya’y kumportable na mabanggit ang pangalan ng singer-actor na si JM de Guzman. Nangingiti lamang siya pero mukhang wala na ‘yung hurt na kanyang nararamdaman nitong mga nakalipas na buwan.

Tinanong namin si Barbie kung willing pa rin siyang makatrabaho ang kanyang co-star sa hit afternoon TV series na Araw Gabi at sumang-ayon naman siya.

Masaya si Barbie sa magandang takbo ng kanyang career ngayon.  May ilalabas siyang bagong digital series, ang Taiwan That You Love na pinagtatambalan nila ng 21-year-old singer-dancer at actor at isa sa mga members ng Hashtags ng It’s Showtime na si Paulo Angeles.

Hinihintay din ni Barbie ang susunod niyang gagawing teleserye pero wala pa umano siyang idea kung sino ang kanyang partner.

Samantala, kumpleto na rin ang pakiramdam ngayon ni Barbie sa kanyang sarili dahil nakilala na rin niya ang kanyang biological father na hindi niya nasilayan magmula nang siya’y isilang.

“Hindi po ako nagkaroon ng hinanakit at hatred sa aking dad. Instead, gusto ko lang siyang makita at makilala at doon ko lamang naramdaman ang pagiging buo ng aking pagkatao,” pahayag ni Barbie na ang pamilya ay dating nakatira sa gilid ng Philippine National Railways sa Daraga, Albay kung saan siya isinilang at nagkaisip.

Ara may bagong negosyo na naman

Ara Mina confided to us na malapit na umanong buksan ang kanyang ika-4th branch ng Hazelberry Café somewhere in the south of Metro Manila.  Labas pa ito sa darating na launch ng kanyang sariling brand ng lipstick, ang Ara Colours at sa kanyang iba pang existing business, ang kanyang online business ng beauty products, ang Ara’s Secret.

Ang pagiging actress at businesswoman ni Ara ay kanyang bina-balanse sa kanyang pagiging hands-on mom sa kanyang five-year-old daughter na si Amanda Gabrielle Meneses o Mandy, ang kanyang kaisa-isang anak sa kanyang ex-boyfriend, ang young politician na si Patrick Meneses.

 Si Ara mismo ang nagbuking sa amin na meron nang ibang girlfriend ngayon si Patrick na okey lang naman sa kanya dahil matagal na umano silang wala nito.

Umaasa si Ara na sana’y matagpuan na niya ang kanyang `Mr. Right’ na makakatuwang niya sa buhay.

BARBIE IMPERIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with