Rodrigo Duterte
SONA ni Pres. Digong tututukan
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

Magsisimula ang most comprehensive coverage of President Rodrigo Duterte’s fourth State of the Nation Address (SONA) early mor­ning ngayon. Sa Unang Hirit’s Unang Balita sa GMA-7. Pero sa hapon, ang SONA 2019: The GMA News Special Coverage, anchored by Pia Arcangel ay mapapanood sa GMA News TV. Ang highlights ng speech analyses ang latest at biggest news ay mapapanood sa 24 Oras sa GMA-7 at sa late-night newscast, ang Saksi. 

Ang roundup naman ng mga pangyayari ay mapapanood sa GMA News TV, sa State of the Nation ni Jessica Soho.

Gatas ni Marian pinakinabangan din ng sanggol na kulang sa buwan

Ayon sa The Parenting Emporium, ang huling donated breastmilk ni Mommy Marian Rivera ay naibigay sa preemie born at 27 weeks at sa isang baby na isinilang with his intestines outside of his body. Ang babies daw na tulad nila ay umaasa on the life-giving breastmilk ng mga donor milk mommies na ibinibigay sa #TYPEMilkSharingHub.

Labis ang pasasalamat ng said organization kay Marian at sa kanyang family na naging supportive sa generosity ni Marian. “Again, we commend Mommy Marian for submitting to our screening process – even submitting HIV and Hepa results – to ensure the responsible sharing of milk. These donations also do not come easy – many mommies that express their milk, keep meticulous records just like Marian, makikita kung ilang minuto o oras in a day ang ginugugol nila para maka-collect ng ‘liquid gold.’”

May mga pictures nga ni Marian at ibang celebrity moms na ginagawa nila ito kahit na nagtatrabaho sila, at iniuuwi nila kapag tapos na sila sa work. Matatandaan nga na si Marian, ay katulong pa ang asawang si Dingdong Dantes at ang panganay niyang si Zia, sa pag-aayos ng mga idino-donate niyang breast milk.

“So, to all our mommy donors and their supportive families, a big THANK YOU from the bottom of our hearts.”

Sa ngayon, after three months na isinilang ni Marian ang second baby nila ni Dingdong na si Jose Sixto Dantes IV or Ziggy, balik taping na siya ng mga spiels niya sa OFW docudrama series na Tadhana, sa GMA-7 every Sa­turday afternoon, at magri-report na rin siya sa Sunday PinaSaya sa Sunday, July 28. Ilang new endorsements na ang ini-launch ni Marian at nag-shoot na rin siya ng TV commercial. Tough Mama talaga si Marian!

Rayver, Megan at Kris huhusgahan na

Regular programming ang GMA-7 ngayon buong maghapon, mapapanood sila mula sa Unang Hirit hanggang sa huling programa nila sa gabi. Kaya naman huhusgahan na ng netizens ang pilot episode ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, na magtatampok kina Rayver Cruz, Megan Young at Kris Bernal, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Sa bagong suspense thriller drama, mag-asawa sina Matteo (Rayver) at Yvie (Megan), pero ginugulo sila ng multo ni Naomi (Kris) na dating girlfriend ni Matteo. Based sa pinag-usapan sa mediacon, si Naomi ay hindi matatahimik dahil gusto niyang bumalik sa kanya si Matteo, pero paano niya magagawa iyon kung isa siyang multo? Ito ang dapat nating abangan.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with