Moira dela Torre
Moira mas palaban sa concert sa Araneta
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

Feeling blessed si Moira dela Torre dahil isa siya sa big winners ng katatapos na MOR for Life music awards 2019.

Bale ba, pangalawang beses na ngayon taon na tanghaling Best Female of the Year si Moira. Dagdag pa sa awards ang Best Collaboration of the Year.

Itinuturing ni Moira ang taong ito bilang “fulling season” dahil ang dami niyang matagumpay na project hanggang ngayon.

Ang pinakamalaking announcement ni Moira ang kanyang gagawing concert finally sa Araneta Coliseum na gagawin sa September 13, 2019.

Sa wakas nakumbinsi si Moira na mag-concert sa Big Dome sa pag-push ng kanyang team na panahon na para mag-show ito sa Araneta.

Ang title ng concert ng singer ay Braver Moira. Hudyat na mas matapang na ang singer/songwriter na harapin ang challenge sa kanyang career at buhay.

Siyempre si John Prats din ang director ni Moira. Unang nag-click ang tandem ng dalawa sa music video na Tagpuan.

First time rin ni John Prats ang magdirek ng concert sa Araneta.

Tiyak na magiging matagumpay na magpapakitang gilas ang aktor sa pagdidirek na nakatutuwang may major directing na ang actor/director sa music concert.

MOIRA DELA TORRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with