Pinalitan daw ni Bela Nadine nag-back out sa pelikula nila ni Aga?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 21, 2019 - 12:00am

May katotohanan kaya ang tsika na out na si Nadine Lustre sa cast ng 2O19 MMFF entry ng Viva Films na Miracle in Cell No.7? Ang latest na balita pinalitan na ni Bela Padilla si Nadine.

Ang hectic schedule ni Nadine ang sinabing isa sa mga rason kung bakit kailangan siyang palitan.

Pagkatapos ng Indak, may dalawang pelikula pa raw na gagawin si Nadine, kaya para siguro hindi siya mapagod at para walang magreklamo na puro na lang si Nadine, pinalitan siya ni Bela.

Hindi pa nga lang kumpirmado ang balitang ito at kailangan siguro kay Mr. Vic del Rosario o kaya’y sa Viva manggaling ang kumpirmasyon.
May pumabor sa balitang pinalitan o papalitan ni Bela si Nadine dahil mukhang lawyer daw si Bela kesa kay Nadine saka, sa maikli lang ang role ng gaganap na dalagang anak ng karakter ni Aga, sa simula lang siya mapapanood at sa ending.

Mas mahaba ang exposure ng batang gaganap na batang anak ni Aga at kailangan magaling umarte para makasabay kay Aga.

Liza suportado ng DGPI

Suportado ng Directors’ Guild of the Philippines Inc.,(DGPI) ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ipinalabas na memo ng office ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra na baguhin ang opening ng mga pelikula. Sa halip na Wednesday, Friday na ang opening ng movies na pinalagan ng Cinema Exhibitors Association of the Phili­ppines (CEAP). Umabot na sa demandahan ang isyu na ayaw munang sagutin ni Liza.
Naglabas ng letter ang DGPI na nananawagan bigyan ng chance ng CEAP ang memo ng FDCP.
Nanawagan din ang DGPI sa ibang grupo na bumubuo sa Film Academy of the Philippines.
“We also enjoin our colleagues in the film industry, from other guilds, from producer to actors to support the FDCP memo and make their voices be heard in this crucial moment,” sabi ng isang bahagi ng sulat.
Nagpasalamat si Liza sa DGPI at sana nga, maayos ang isyung ito para na rin sa ikagaganda ng local movie industry.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with