Derek very private ang bakasyunan sa Palawan
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - July 21, 2019 - 12:00am

Meron palang beach house sa San Vicente, Palawan si Derek Ramsay. Limang taon na itong nakatayo pero ngayon lang ito pinayagang maisulat ng bidang hunk sa seryeng The Better Woman.

He has to be fair dahil pumayag siya dating ma-feature ang glass and steel house niya sa isang lifestyle magazine. Gusto niyang maging very private ang kanyang bakasyunan na napangatawanan naman niya.

Marami nga ang nagtatanong kung gaano siya kadalas sa nasabing bahay at kung nadala na niya dito ang nakahiwalayan niyang girlfriend.

Nadine mas sisikat sa Indak kesa sa naudlot na Darna

Napaguusapan na rin lamang ang pelikulang Indak, baka magsilbing blessing in disguise ang ‘di pagkakapili kay Nadine Lustre bilang bagong Darna dahil mas pagtutuunan niya ng pansin ang movie nila na ito ni Sam Concepcion.

Sa lakas at ganda ng promo na ginagawa niya para sa Indak ay nakapag-generate na ito ng interes sa mga manonood. Excited na naman ang movie viewers na makita kung ano ang kaya pang ipakita ng ka-loveteam ni James Reid bukod sa pagiging magaling na aktres.

Mayor Vico loyal sa EB!

Nakapagtataka ba kung ang Eat Bulaga ang bukambibig ni Pasig Mayor Vico Sotto? Sa programang ito na may apat na dekada nang umeere at labis ang katandaan sa kanya ay host ang nanay at tatay niya. Hanggang ngayon ay Dabarkads pa rin si Vic Sotto. Naging bahagi din nito si Coney Reyes at kahit wala na rito ay patuloy pa rin sa kanyang pag-arte.

Mayor Vico is just being loyal to the show na kinalakihan  niya. Pangit naman kung sa kalabang show nito siya kumiling.

Siargao dapat tutukan ng DOT

Katungkulan ng gobyerno, national man o lokal na masigurong may mapagkukunan ng serbisyong medikal ang mga dumadayong turista sa Siargao.

Naaksidente ang asawa ni Yeng Constantino na si Yan Asuncion habang nagbabakasyon doon recently. Buti na lamang at hindi pa niya oras dahil nagawa nitong maghintay ng magbibigay sa kanya ng medical attention.

Hindi pa handa para sa mga ganung emergency o pangyayari ang naturang tourist destination.

Nangyari na rin ito dati sa anak ni Karen Davila at sa isang Olympics athlete na mabuti na lamang at pinalad na makaligtas sa kamatayan dahilan sa kanilang hilig sa surfing. Dapat pagtuunan din ito ng pansin ng DOT dahil isa nang paboritong tourist destination ang Siargao. Tsk tsk tsk.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with