Miguel Tanfelix
Miguel tatay at kuya ang naging turing kay Bitoy
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - July 21, 2019 - 12:00am

Kasama ang BiGuel loveteam nila Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa pelikulang Family History na produced, written, directed at bida si Michael V. 

Masuwerte raw ang naturang loveteam na sa ikatlong movie ng loveteam nila, isang henyo sa comedy ang kasama nila.

Sey ni Miguel: “Naging parang tatay at kuya namin siya sa set. Hindi namin malilimutan ang mga pangaral niya sa amin ni Bianca. May concern si Kuya Bitoy sa aming mga young actors ngayon. Isa sa mga sine-share niya ay yung maging maingat kami sa mga kinikita namin. Dapat matuto na raw ka­ming mag-invest habang sunud-sunod ang mga trabaho namin.”

Napapanood pa rin gabi-gabi sa GMA primetime teleserye na Sahaya ang BiGuel loveteam.

Pelikula nina Taylor Swift at Jennifer Hudson tungkol sa pusa, palabas na!

Nag-trend agad sa social media ang pag-release ng Universal Pictures sa first trailer ng film adaptation of the hit stage musical na Cats na mula sa direksyon ni Tom Hooper.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maisapelikula ang Cats na nagsimula sa West End in 1981 and on Broadway in 1982.

As of 2018, Cats remains to be the fourth-longest-running Broadway show and the sixth-longest-running West End show.   

Nag-trend sa Twitter ang hashtag #Cats at #CatsMovie na ikinatuwa ng maraming cats lovers dahil sa feline images ng mga bida na sina Taylor Swift, Jennifer Hudson, James Corden, Judi Dench, Idris Elba, Jason Derulo, Ian McKellen at Rebel Wilson.

Kinilabutan naman ang mga nakapanood ng trailer dahil sa pag-awit ni Jennifer Hudson or J.Hud ng theme song ng Cats na Memory.

Namangha ang marami sa computer generated image ng mga actors para gawin silang mga pusa. Ito ang same CGI effects na ginamit sa Avatar at Lord of the Rings trilogy.

Hindi na raw uso ang pagsuotin ng costumes ang actors dahil sa latest motion-capture technology. 

Ipapalabas ang Cats on December 20, 2019.

MIGUEL TANFELIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with