Bianca Umali
Bianca pinasok na rin ang pagiging sirena!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - July 21, 2019 - 12:00am

Nakita namin ang tuwa sa mukha ni Kapuso teen star Bianca Umali nang kumustahin namin sa nadag­dag na role niya sa Sahaya, na sa pagbabago ng character niyang palaban na ay papasukin niyang magtrabaho bilang isang dancing mermaid. Kung napapasyal kayo sa Luneta, particularly sa Ocean Park, isa ang mga dancing mermaids na nakatutuwaang panoorin na nagsu-swimming doon.

“Noong bata po kasi ako, isang dream ko ay ma­ging sirena, kaya hindi man ako naging si Dyesebel, sirena pa rin po ako sa bago kong role. Hindi po naman problema sa akin dahil nga bago kami nag-start mag-taping ng Sahaya, nag-imersion na ako sa character ko bilang isang Badyaw kaya nag-scuba diving ako at nag-free diving ako sa malalim na lugar sa dagat. I love my role.”

Nag-taping na si Bianca sa Ocean Park ng ilang beses at mapapanood na ito sa mga susunod na airing ng Sahaya. 

Ang Sahaya ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Phillip palit kina Pip at Boyet sa pelikula kay Nora

Hindi na pala matutuloy ang dream project ni Direk Joel Lamangan na muling pagsama-samahin ang icons ng Philippine movies na sina Ms. Nora Aunor, Tirso Cruz III at Christopher de Leon na Isa Pang Bahaghari na ipu-produce sana ng Heavens Best Entertainment Productions na ilalahok sa Metro Manila Film Festival sa December.

Tuloy pa rin ang project, pero sina Nora Aunor at Phillip Salvador na raw ang bibida sa pelikula. Hindi na rin naman bago ang pagtatambal nina Ate Guy at Ipe dahil noong panahon ni Lino Brocka, nagtambal na sila sa Bona, Nakaw Na Pag-ibig at Tinik Sa Dibdib. Sisiguraduhin daw naman ng mga producers na malalaki pa ring artista ang makakasama nina Nora Aunor at Phillip Salvador.

Ruru naiiyak habang nire-record ang mga gawang kanta

Official recording artist na si Ruru Madrid ng GMA Music matapos siyang pumirma ng recording contract last July 10. Matagal nang dream ito ni Ruru dahil bukod sa maganda talaga ang boses niya, may influence sa kanya ang family niya na karamihan sa kanila ay mga musikero. Singing daw talaga ang first love niya bago acting.

Nag-record na si Ruru ng dalawang kanta, ang Nawawala na composition nina Kettle Mata, Roger Alcantara at Enzo Villegas at ang Maghihintay na composition naman ni Mark Atienza.

Ayon sa manager ni Ruru, naging emosyonal daw ito nang nagri-record, dahil puno ng hugot ang dalawang kanta at hindi niya mapigilang mapaiyak. Bakit kaya?

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with