Ilang pulitiko mas pinili ang sona kesa boxing
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 21, 2019 - 12:00am

Ang boxing fight ngayong umaga (gabi sa Las Vegas, Nevada) ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao laban kay Keith Thurman.

Dahil sa SONA (State of the Nation Address) bukas ni President Rodrigo Duterte ay iilang politicians lang ang manonood ngayon sa MGM Grand Garden Arena.

Ang kumpare ni Manny na si Navotas City Mayor Toby Tiangco at si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson ang dalawa sa mga politician na nakita ko roon.

Nakita ko rin si former San Juan City Vice Mayor Janella Estrada at kasama niya ang isang kapatid na lalaki at ang nanay na si Precy Estrada.

Anak ni Manny namana ang PR ng ama

Nakita ko si Jimuel Pacquiao sa lobby ng MGM Grand.

In fairness, katulad ng kanyang tatay na si Manny at nanay na si Jinkee Pacquiao, very accommodating sa mga press na gustong mag-interview sa kanya ang binata.

Sabi ni Jimuel, babalik kaagad siya ng Philippines dahil in two months time ay may boxing fight din daw siya at kailangan niyang mag-training.

Tinanong ko si Jimuel tungkol sa tsikang hiwalay na sila ng girlfriend na si Heaven Peralejo, pero hindi niya kinumpirma ang bagay na ‘yon.

Private lang daw ang bagay na ‘yon.

Oo nga pala, maraming mga kinikilig kapag nakikita si Jimuel.

May isang server na nakatsikahan ko na nakita sila sa Caesar Palace noong Friday ang nagsabing guwapong-guwapo siya kay Jimuel.

In fairness sa binata, hindi siya supladito sa mga tao!

Ang ganda ng PR ni Jimuel! Gerald mas aktibo sa basketball

Si MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Commissioner Kenneth Duremdes sa MGM Grand.

Full support si Kenneth sa MPBL “boss” niyang si Manny sa laban nito ngayon versus Thurman.

Sa tsikahan namin ni Kenneth, nabanggit niya na tumataas lalo ang viewership ng MPBL kapag may laro ang team ni Gerald Anderson.

Unlike Xian Lim, hindi pa rin iniiwasan ni Gerald ang MPBL team niya.

Magkakaroon nga raw ng laro sa Dubai, United Arab Emirates ang MPBL team ni Gerald!

Naikuwento rin ni Kenneth na may isa pang artistang naglalaro ngayon sa MPBL, pero hindi niya matandaan ang pangalan habang iniinterbyu ko siya.

KEITH THURMAN MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with