^

Pang Movies

Sharon inalala kung paano nangumpisal sa ampong anak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon inalala kung paano nangumpisal sa ampong anak
Sharon Cuneta

Ikinuwento ni Sharon Cuneta sa kanyang vlog sa YouTube na Sharon Cuneta Network kung paano nila sinabi ng mister na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa bunsong anak na si Miguel na adopted ito.

This is the first time na in-open up ni Megastar ang tungkol dito although alam naman ng publiko noon pa na talagang adopted si Miguel and never naman niya itong inilihim.

Tinalakay ni Shawie ang adoption sa kanyang vlog dahil may humingi raw ng advice sa kanya kung paano sabihin sa kanyang anak na ampon lang ito.

Ayon kay Shawie, sila raw ni Atty. Kiko ay nag-decide na sabihin na agad kay Miguel na ampon ito habang maliit pa ito.

“Kiko and I decided na maliit pa si Miguel namin ay sasabihin na namin para wala nang questions. Tapos, lumalaki siya na sa isip ko, alam niyang special siyang bata,” simula ni Shawie.

“Ang sabi ko sa kanya, ‘the lady that had you really loved you but could not anymore afford to keep you.’ Actually, malalim ang storya but it’s not time for that,” dagdag ni Mega.

“Miguel came to us, God gave him to us when he was about one day old. So when someone said that there was a baby, it was a boy, hindi na ako nag-isip nang dalawang beses. I didn’t even see a picture of him. Hindi ko alam kung may diprensya siya, kung hindi sampu ‘yung daliri niya. I didn’t even ask,” kwento pa ni Shawie.

Nang dumating na si Miguel sa buhay nila, aminado naman si Megastar na naging dilemma rin niya talaga ang tungkol sa pagsasabi na ampon ito. Pero talaga raw marunong ang Diyos at Siya na raw ang nag-orchestrate ng lahat.

“We were watching this show, the little couple, nagkataon, they adopted a little boy from China and later on a little girl from India. Kaming lahat, nanonood no’n, even Miguel when he was so young,” kwento ni Sharon.

Isang araw daw habang nasa Tagaytay sila at naglalambi­ngan silang mag-ina sa kama ay biglang tinanong ni Miguel “Am I adopted, Mama?”

Bagama’t hindi raw siya prepared ay sinagot niya ang tanong ng anak ng buong katotohanan. Sinagot niya ito ng yes at ibinigay na halimbawa ang show na pinanood nila na mahal na mahal ng magulang ang batang inampon at naging maayos ang buhay.

“And I said, ‘your sisters came from my tummy, your ates came from my tummy. You, God sent you to us.’ So, ngayon, kapag tinanong mo siya, ‘Who gave you to daddy and mommy?’ Sasabihin niya, ‘Jesus’.

“So parang alam niya na he’s a special child. Special in a way na he was chosen,” kwento ni Sharon.

Kaya ang maipapayo niya sa mga magulang na may adopted kids ay sabihin na raw habang maaga pa.

Bagong Darna retokada?!

Hayan na nga at nakakalkal na ang nakaraan ng bagong Darna na si Jane de Leon. Biglang naglitawan ngayon ang mga old photos niya when she was 13 at syempre, naikumpara sa hitsura niya ngayon.

Hinihinala ngayon ng netizens na retokada ang bagong Darna dahil malayo ang hitsura nito then and now.

“Halata naman di natural. Her nose is not usual. Alam mong pinatangos!” komento ng isa sa thread sa isang showbiz website.

“What?! Di pala siya natural na tisay?” reaksyon naman ng isa.

“Kakahiya naman kina Marian at Angel! Natural beauty!” sagot naman ng isa.

Halos lahat ng komento ay nagsasabing malayo ang hitsura ni Jane noon sa looks nito ngayon.

Nakakaawa rin ang bagong Darna dahil ngayon ay nakakatikim na siya ng pangba-bash. Pero on the other hand, ibig lang sabihin nito ay talagang nakatutok sa kanya ang atensyon ng lahat ngayon, a clear sign na sikat na siya talaga.

Ang kailangan na lang ngayon ay maka-deliver si Jane bilang Darna at patunayan sa mga bashers that she really deserves the role.

 

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with