^

Pang Movies

Gloria sinariwa ang panalo sa Miss U 50 years ago!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Gloria sinariwa ang panalo sa Miss U 50 years ago!
Gloria Diaz

Ang paggunita kahapon sa 50th anniversary ng pagkapanalo ni Gloria Diaz bilang kauna-unahang Filipina Miss Universe.

Sa Miami Beach, Florida, USA kinoronahan si Gloria noong July 18, 1969.

Walang malaking selebras­yon kahapon sa paggunita sa karangalang ‘yon ng ating bansa, pero marami namang beauty pageant enthusiasts ang nag-post sa social media ng tungkol doon.

Sini-celebrate rin ng fans ni Gloria na after 50 years ay may karangalan na namang naibigay sa ating bansa ang ating first Miss Universe.

May special guesting kasi si Gloria sa Netflix comedy series na Insatiable.

Dalawang beses nagpunta sa Atlanta, Georgia si Gloria para sa shooting ng Insatiable.

Jawo pinagkaguluhan sa Las Vegas

Ang PBA legend na si Robert Jaworski sa MGM Grand Las Vegas Hotel and Casino noong Thursday sa Las Vegas, Nevada.

Kadarating lang doon ni Jaworski dahil mano­nood din ito ng boxing fight ni Manny Pacquiao versus Keith Thurman sa MGM Grand Arena.

Pinagkaguluhan ng Pinoy fans na nandoroon si Jaworski.

Napakaraming nagpapa-picture sa tinaguriang PBA’s Living Legend.

Si Jaworski pa rin ang pinakasikat na naging PBA player dahil hanggang ngayon ay pinagka­kaguluhan pa rin siya kapag nakikita ng Pinoy fans.

Chavit, mas kilala pa ring ‘gov’

In fairness, pati kay Narvacan Mayor Chavit Singson ay napakarami ring Pinoy fans na nagpapa-picture kapag nakikita siya sa MGM.

Kahit mayor na, “Gov” for governor pa rin ang tawag ng mga nakakakita sa politician na kilalang napakalapit kay Pacquiao.

Tuloy na tuloy na…

Tuloy na tuloy raw ang pelikulang pagsasamahan nina Nora Aunor at Philip Salvador sa Heaven’s Best film outfit.

Si Joel Lamangan ang direktor ng project na ‘yon.

Maituturing na classic ang pelikulang Bona na pinagsamahan noon nina Mama Guy at Philip.

vuukle comment

GLORIA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with