^

Pang Movies

KC naghahanap na ng bahay sa L.A.

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
KC naghahanap na ng bahay sa L.A.
KC Concepcion

Madalas sa Los Angeles, California si KC Concepcion.

May nakapagtsika sa akin na totoo raw ang balitang nagbabalak bumili ng bahay si KC sa lugar na ‘yon.

May ilang properties na raw na tiningnan si KC, pero wala pang napapabalitang nabili na ng dalaga.

Ruffa handa na sa laban nina Pacquiao at Thurman

Hawak na ni Ruffa Gutierrez ang tickets ng grupo namin para sa boxing fight ni Manny Pacquiao versus Keith Thurman ngayong Saturday (Sunday sa Philippines) MGM Grand Arena.

Wednesday pa lang ay nagpunta na ng Las Vegas si Ruffa kasama ang kapatid na si Elvis Gutierrez para makuha na ang tickets ng grupo namin dahil sa mga oras na ito ay sobrang busy na si Manny.

Ayaw ni Ruffa na last minute pa lang niya kukunin ang tickets.

Sobrang happy si Annabelle Rama dahil madali niyang nakausap si Manny pati ang misis nito na si Jinkee Pacquiao para sa tickets ng kanyang mga anak at ng grupo namin.

Pati Hollywood celebrities, hindi lang Filipino celebrities, ay inaasahang manonood ng Pacquiao versus Thurman boxing fight.

Sexy actress/singer na hindi marunong magseryoso sa lalaki, tinamaan sa foreigner!

Mukhang seryoso ang isang sexy actress/singer sa relasyon niya sa isang foreigner.

Sabi ng isang malapit sa kanya, hindi ito naniniwala na mauuwi na sa kasalan ang relasyon ngayon ni sexy actress/singer.

Pagdating daw sa kanyang lovelife, hindi ganoon kaseryoso si girl.

‘Yun daw ang dahilan kung bakit hindi mahilig magkuwento si girl ng tungkol sa mga lalaking nakakarelasyon niya.

Well...

Baguhang aktor na maimpluwensiya ang tatay, may gustong patunayan!

May isang namba-bash sa isang baguhang aktor.

Iniintriga ng basher na ‘yon ang baguhang aktor na kaya lang malakas ang dating niya ay dahil sa impluwensiya ng mayamang tatay.

Ayaw paapekto ni baguhang aktor sa basher na ‘yon.

Gusto ni baguhang aktor na patunayang may karapatan siya kaya napasok ang showbiz at hindi dahil sa pera ng tatay niya.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with