^

Pang Movies

Robin sinuhulan ng lechon si Sharon!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin sinuhulan ng lechon si Sharon!
Sharon Cuneta

Okay na pala sina Robin Padilla at Sharon Cuneta na matatandaang nagkaroon ng misunderstanding nang magtampo ang huli sa una sa hindi nito pagdalo sa 40th anniversary concert niya sa Araneta Coliseum noong September last year.

Ipinost kahapon ni Shawie ang ipinadalang lechon sa kanya ni Binoe at sa caption ay nagpasalamat siya sa action star. “Thank you, @robinhoodpadilla for the lechon. Okay na tayo ‘di ba, and you didn’t have to! But thank you. Buti nagkita kayo ng kapatid kong si Ciara. And buti di ka niya nadeadbol nung sinakal ka niya hahahaha! Thanks again. God bless,” ang caption ni Sharon.

Of course, alam ni Binoe na super-favorite ni Shawie ang lechon kaya ito ang ipinadala niya.

Tuwang-tuwa naman ang kanilang fans sa pagkakaayos nila at nagre-request na nga ulit agad ng another reunion movie.

Arci nakaranas mag-shoot sa abroad

Sina Arci Muñoz at Vin Abrenica naman ang bibida sa episode ng Ipaglaban Mo ngayong Sabado titled Taiwan Love Story. Mismong sa Taiwan nag-shoot ang dalawa kasama ang staff at ang direktor na si Ian Lorenos.

Nag-post si Arci sa kanyang IG ng larawan nila ng ina sa Taiwan at sey niya sa caption, first time raw niyang mag-shoot abroad.

Nakakatuwa naman ang post ni Vin habang nasa Taiwan siya dahil sa comment section ay nagkomento ang girlfriend niyang si Sophie Albert na “come home naaa.”

Ginagampanan nina Arci at Vin ang papel na mag-asawa sa nasabing episode. Flight stewardess ang role ng aktres na si Baby habang ang huli naman ay si Jess, isang OFW (Overseas Filipino Worker) cook sa Taiwan. Nagkakilala sila sa nasabing bansa at magiging mag-asawa.

Ang Taiwan Love Story na mapapanood this Saturday, July 20 ay parte pa rin 5th anniversary presentation ng programa hosted by father and son Atty. Jose Sison and Jopet Sison.

Special training ni Dingdong, kariran!

Ipinakita ng 24 Oras ang intense 25-hour special training na pi­nagdaanan ng Alpha Team led by Dingdong Dantes para sa Pinoy adaptation ng hit Korean Drama na Descendants of The Sun.

Ginanap ang nasabing special training sa Fort Magsaysay Military Reservation sa Nueva Ecija at kasama ni Dingdong ang iba pang cast na sina Rocco Nacino, Jon Lucas, Paul Salas, Lucho Ayala at Prince Clemente.

Talagang makikita sa video na sobrang rigid and intense ng training tulad ng pagtulog sa tent, paggulong sa putikan, paliligo sa ilog, sobrang hirap na obstacle course, pagbuhat ng mabigat na troso, gayundin ang mga exercise routines sa ilalim ng ulan.

Makikita ring ginagawa nila ang “tusok-ulo” exercise na madalas gawin ni Matteo Guidicelli.

Kinailangan ng Alpha Team ang immersion na ito para maging mas makatotohanan ang pagganap nila sa kanilang papel sa DOTS bilang mga sundalo.

Ayon kay Dingdong, gusto raw talaga rin nilang magampanan nang maayos ang kanilang papel kaya naman ginusto rin nilang sumailalim sa training.

“The only way to really portray them properly is to immerse and be with them kahit na panandalian lang kasi, malaking bagay rin na maintindihan namin ‘yung kanilang motivation kung bakit ginagawa nila ito,” sey ni Dong sa panayam.

Ang alam namin ay kumpleto na ang cast ng DOTS at announcement na lang sa leading lady ang kulang na gaganapin this month.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with