Dingdong Dantes
Dingdong inaabangan sa Family History!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang upcoming debut film ng GMA Pictures at MIC Test Entertainment na Family History.

Tiyak na hindi lang ito pam-pamilya, makaka-relate rin dito ang mga kabataan, magkakaibigan, at mag-asawa.

May special cameo appearance nga ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Nang ipasilip ito sa exclusive sneak peek video sa Facebook ng GMA, marami ang na-excite sa role ni Dingdong bilang si Dr. Nega. Higit 500,000 views na ang video at marami ang humirit sa comments section na papatok ito sa takilya.

Mapapanood ang Family History ngayong July 24 in cinemas nationwide!

Samantala, kapapanalo pa lang ni Dingdong bilang best actor sa katatapos na The Eddys 2019 para sa pelikula nila ni Anne Curtis na Sid & Aya.

Regine Lifetime Achievement Awardee ng MOR

 Nanguna sina Moira dela Torre, Sam Mangubat at ang Juan Karlos sa kakatapos lamang na MOR Pinoy Music Awards 2019, ang inaabangang pagkilala sa tumatak na Pinoy artists na ginanap sa Araneta Coliseum noong nakaraang Martes (Hulyo 16).

Inuwi ng Pinoy rock band na Juan Karlos ang Song of the Year para sa hit song nitong Buwan.

Samantala, napanatili naman ng Idol Philippines judge na si Moira ang kanyang titulo matapos makuhang muli ang Female Artist of the Year sa pangalawang pagkakataon. Nanalo rin siya ng Best Collaboration of the Year para sa kantang Kung ‘Di Rin Lang Ikaw kasama ang December Avenue.

Nasungkit naman ng singer-songwriter na si Sam Mangubat ang inaabangang Male Artist of the Year award para sa awiting Pagkat Nariyan Ka.

Binalik rin ng FM station ng ABS-CBN ang pagkilala sa Band of the Year at ibinigay ito sa bandang Ben&Ben para sa kanilang pamosong kantang  Maybe the Night.

Kinilala din ng MOR ang kontribusyon ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa industriya ng OPM at ginawad sa kanya ang Lifetime Achievement Award para sa taong ito. 

Bukod sa nasabing awardees, umuwi ring matagumpay sina Maymay Entrata (LSS Song of the Year), Shanti Dope (Best New Artist), This Band (Digital Artist of the Year), Janine Teñoso with (OPM Revival Song of the Year), Cup of Joe (Regional Song of the Year) at Alex Gonzaga (Phenomenal Artist of the Year).

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with