Kim Chiu, Dennis Trillo
Dennis at Kim may salpukan sa drama
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

Magsasagupa sina Dennis Trillo at Kim Chiu ngayong Sabado sa magkatapat na weekly drama ng respective network nila.

Bida si Dennis sa episode ngayong Sabado sa Magpakailanman. Matagal-tagal na ring hindi nakalabas ang magaling na actor sa Kapuso weekly drama na Magpakailanman kaya sabik siyang mapanood.

Si Kim naman ang bida sa katapat ng MPK na Maalaala Mo Kaya tungkol sa kuwento ng buhay ng isang volleyball player ng UST.

Nagsama sa pelikulang One Great Love ng Regal sina Dennis at Kim na inilabas sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Ngayong Sabado ay magkalaban naman sila sa TV.

Ganyan talaga ang labanan sa TV ngayon, huh!

Siyempre, kay Dennis kami!

Sunshine pinagtataasan ng kilay ang sunud-sunod na pagpapa-sexy!

Naudlot ng pagpapaseksi si Sunshine Cruz nang pakasalan siya ni Cesar Montano matapos simulan ng aktres ang pelikulang Ekis ng Viva Films noon.

Eh ngayong may mga dalaga nang anak si Shine, binalikan niya ang natigil na image para sa Cinemalaya entry. Kahit kailangang magpaseksi eh tinanggap ng aktres ang project dahil nga pasok ito sa indiefest.

Siyempre, tumaaas pa rin ang kilay ng iba lalo na’t meron siyang mga anak na babae. Kahit sabihing challenging ang role niya, ang magiging bentahe pa rin ng movie ay ang sex, huh!

Ang alam namin, bukod sa entry sa Cinemalaya, ay may isa pa siyang sexy movie with Martin del Rosario at Kiko Estrada. Pambawi na lang niya ang Regal movie na The Heiress with Maricel Soriano dahil isa itong horror movie.

DENNIS TRILLO KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with