Lee Sung Kyung
Sikat na Korean actress love na love si Lea!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

Sobrang ikinatuwa ng followers sa Instagram nina Lea Salonga at South Korean actress na bida sa Weightlifting Fairy Kim Bok-joo na si Lee Sung Kyung ang sagutan nila sa IG.

A month ago kasi ay ni-repost ni Lea ang lumang video ni Lee Sung Kyung habang nasa kotse ito at kumakanta ng A Whole New World na theme song ng Disney movie na Aladdin na originally sung by Lea, herself.

Caption ni Lea sa video, “this is so ado­rable!!!!!!!! Isn’t she a Disney Princess?”

Itinag ni Lea sa kanyang caption si Lee Sung Kyung na may handle name na “heybiblee.”

It took months for the South Korean actress to reply na siyempre, baka naman ngayon lang niya nakita. Last Tuesday, July 16 lang nasagot ni Lee Sung Kyung ang post at aniya ay sobrang honored siya.

“I am so thankful and honored Lea! I’ve been practicing listening to you! You are inspirational and I love you so much!” ang komento ni Lee Sung Kyung in English, in fairness!

Sumagot naman si Lea rin at aniya, “awww thank you! My mom and I are fans of yours from Weightlifting Fairy. Thank you for those many hours of entertainment! We love the show and you in it!”

Ang daming kinilig sa sagutan ng dalawa at wish nila na magkita ang mga ito sa pagbisita ni Lee Sung Kyung sa Manila para sa kanyang fan meeting ngayong July 27.

May mga humihiling din na sana raw ay kantahin din ni Lee Sung Kyung ang A Whole New World sa FM nito sa Pinas.

Isang comment din ang nabasa namin na mahilig daw talagang kumanta si Lee Sung Kyung sa kotse at parating Disney songs ang kinakanta nito.

In fairness, maganda ang boses ni Lee Sung Kyung at pati ang pronunciation niya ng English lyrics ng A Whole New World. Kaya siguro nakatawag sa pansin ng original singer.

Matatandaang si Lea ang singing voice sa likod ng karakter ni Jasmine ng Disney animated film na Aladdin in 1992. Ka-duet niya sa A Whole New World theme song si Brad Kane na singing voice naman ni Aladdin.

Pagiging jologs ni Alex nagbunga ng award

Nakaka-touch ang pasasalamat ni Alex Gonzaga sa pagkakapanalo niya sa MOR Pinoy Music Awards 2019 held last Tuesday na ginanap sa Araneta Coliseum.

Si Alex ang nagwagi ng isa sa top awards which is Phenomenal Artist of the Year.

Sa kanyang IG post ay ipinahayag ni Alex ang kanyang pasasalamat at saloobin sa pagkakapanalo. Mababaw man daw sa iba, pero talagang nakakaiyak daw ang kanyang natanggap na award.

“Sa dami ng comments na natanggap ko na ‘walang kwenta’, ‘kung wala ate nyan wala yan’, ‘jologs’ i already accepted na siguro ganun talaga ako kaya nag-enjoy nalang ako sa kung ano man meron ako.

“But I never in my wildest dreams EVER thought i could receive an award like this! Everything is really possible with God. In this gloomy weather i just want to let you know na the things you thought are impossible to happen because of what the world is telling you can actually Happen when you just TRUST God’s timing and plan.

“Thank you MOR and to everyone who helped me with this song esp ofcourse CHAMBE himself SEVE! Mababaw sa iba to, pero nakakaiyak talaga. I share this award to all the jeje’s by heart out there! XaLAhMaT nEtizEns pOH..! XuPEr..! - from your jeje guRL,” ang laman ng post ni Alex.

Ang Chambe ay ang hit song ni Alex released last year. Ang music video nito na ini-release niya sa kanyang sariling YouTube account ay umaabot na ngayon sa 26M views.

LEE SUNG KYUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with