Alden Richards at Maine Mendoza
AlDub malabo nang buhayin
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

Parehong nagpasalamat sina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang fans na nakaalala pa sa apat na taon na pala nilang loveteam na AlDub.

Ang bilis lang ng mga pangyayari, noon akala mo bagyong duma­ting ang AlDub na lahat sinasagasaan dahil sa tindi ng lakas. Napuno nila maski na ang Philippine Arena na walang nakapuno kahit na sino, pero noong officially na magkita ang AlDub umapaw sa tao hanggang sa labas.

Ang social media posts tungkol sa kanila noon, sinasabing world record at nilampasan pati ang dami ng posts tungkol sa Santo Papa.

Ngayon, four years after, hindi na sila magka-loveteam, hindi na rin sila pinagla-loveteam sa kanilang show at lagi nang magkahiwalay ng assignment.

Ganoon nga talaga siguro ang buhay, pero sino nga ba ang may kasalanan?

Nagsimula lang namang bumaba ang AlDub noong aminin ni Maine na may nanliligaw na sa kanyang iba, hanggang sa aminin pa nga niyang mag-syota na silang dalawa ni Arjo Atayde.

Hindi naman natin masisisi si Maine, kasi naman kahit na make believe lang ay hindi nanligaw si Alden.

Ang fans naman, hindi nila natanggap na talagang loveteam lang iyon at hindi totohanan. Doon nagkagulo ang lahat. Ngayon ni hindi mo na masasabing may loveteam pa nga. Kahit na siguro pagsamahin sila ulit sa isang project, wala nang maniniwala.

Kung sabagay hindi rin naman malakas ang loveteam kung sila lang. Natandaan ba ninyo nagkaroon sila ng serye na sila lang ang bida, hindi naman nag-rate talaga kaya tinapos din agad?

Hanggang doon na nga lang siguro talaga ang AlDub. Pero sayang dahil iyan ang loveteam na sumikat nang husto at may panahong natabunan nila ang lahat.

Juday tuloy ang suweldo kahit walang trabaho

“Guest” daw si Judy Ann Santos sa long running series na FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi pa naman namin napapanood kaya hindi namin masabi kung ano nga ba ang role ni Juday. Ang natatandaan namin, sinasabing ginagawa na ang serye ni Juday noon pa man, na siya sanang ipapalit sa Probinsyano, pero hindi pa yata tatapusin ang serye kaya guest na lang muna si Juday,

Kung ipipilit niya ang kanyang serye at hihintaying matapos ang kanyang papalitan, baka naman mainip siya. Isa pa, may guaranteed income siya sa network na sinimulan noon pang panahon ng dati niyang manager na si Alfie Lorenzo, ibig sabihin babayaran siya kahit wala siyang gawin. Kaya nga siguro inilagay siya sa Probinsyano.

Pero ang punto, hindi masasabing kailangan siya ng Probinsyano para tumaas ang ratings. Kaya ang lumalabas nga, ginawa siyang guest muna dahil mukhang maiiwan na ang kanyang serye. Kawawa naman si Juday.

 Kung nabubuhay pa si Alfie, sigurado nagtatalak na naman iyon.

Production designer ni Kuya Germs pumanaw na!

Inatake sa puso at dead on arrival sa ospital si Val Villafuerte, isang production designer sa telebisyon at confidante rin ni Kuya Germs noong araw. Nakakagulat dahil ang alam namin walang sakit si Val, basta bigla na lang. Nalaman lang namin iyon mula kay John Nite na mabilis na nakapunta sa ER ng ospital pero hindi na rin niya inabot na buhay si Val.

Nakikiramay kami sa pamilya ni Val na masyadong maaga niyang iniwan.

Maikli lang talaga ang buhay ng tao.

ALDEN RICHARDS MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with