^

Pang Movies

Tonton hindi natagalan sa paghihintay ng kapalit sa Rosang...

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tonton hindi natagalan sa paghihintay ng kapalit sa Rosang...
Tonton Gutierrez

Kasama si Tonton Gutierrez sa cast ng Rosang Agimat pero shelved nga ito dahil sa nangyari kay Eddie Garcia.

Hindi naman natagalan sa paghihintay si Tonton dahil may kapalit agad ang Rosang Agimat, ang One of the Baes na coming soon, primetime television series ng GMA-7.

Makakasama ni Tonton sa One of the Baes ang another alaga ko na si Amy Austria.

Mga lead star sina Ken Chan at Rita Daniela ng upcoming television series ng Kapuso Network. Nag-level up na ang loveteam ng dalawa dahil pang-primetime na sila.

Nasubukan ang lakas ng loveteam nina Ken at Rita sa My Special Tatay, ang afternoon drama series ng GMA-7 na talagang humataw noon sa ratings.

‘Goodbye’ consistent na malungkot

In life, marami tayong ‘goodbye’ na mararanasan, and all goodbyes no matter what reason makes us sad.

Siyempre, ang pinaka-sad na goodbye kapag namatay ang isang mahal mo sa buhay at kapag mahal mo ang nagsabi na aalis na siya.

Kahit pa nga alam mo na mas makakabuti ang pag-alis niya, naroroon pa rin ang sadness, emptiness, ang hole na nasa puso mo na iiwan niya.

Kahit nga ang isang kasambahay lang na nagtrabaho sa’yo for only a year, kapag umalis, may lungkot ka na nadarama.

Hindi ko nga ma-imagine ang feeling na biglang mawawala ang kasama sa bahay o trabaho kaya minsan ayaw natin na magkaroon ng attachment dahil mahirap ma-detach ang link sa isang tao.

Siguro nga, ‘yon ang sign na walang forever dahil as time goes by, nagkakaroon ng mga pagbabago. Kahit paano, dapat matanggap natin na sa life, patuloy ang changes. Hindi puwedeng  mabago ang history pero dapat matanggap natin na walang permanent na bagay. Goodbye will always be sad pero thank you for the memories at ito lang ang magagawa natin.

Ex Sexbomb member pinaka-latest mga starlet palaging dawit sa droga

Patuloy ang war against drugs ng pamahalaan ni President Rodrigo Duterte pero parang hindi natututo at natatakot ang mga drug pusher at drug user.

Noong Lunes, headline ng mga balita ang pagkakadakip sa unknown starlet na si Angela Zamora na inakusahan na drug pusher, pati na ang kanyang live in partner.

Noong Martes, headline ang pag-aresto sa model at television actor kuno na si Aeron Cruz na naaktuhan na nagbebenta ng illegal drugs kuno dahil never heard sa showbiz ang name ni Aeron Cruz.

Kahapon naman, dinakip din ang former Sexbomb Girls member na si Sheena Flores dahil pa rin sa illegal drug pushing. Kasama sa inaresto ang live in partner ni Flores na “da who” rin dahil hindi naman siya sumikat gaya nina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia.

Puro mga starlet at nameless ang nahuhuli dahil sa pag-iingat sa mga bawal na gamot ‘ha? Kailan naman kaya madadakip ang mga sikat na artista na  kasali sa listahan na nasa pag-iingat ng PDEA?

vuukle comment

TONTON GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with