Child Haus mahigit 16,000 na ang natutulungan

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - July 17, 2019 - 12:00am

Isa ang Hashtag member at Kapamilya young actor na si McCoy de Leon ang personal na nagdala ng tatlong malalaking boxes ng McDonald’s food sa re-opening ng Quezon City branch ng Child Haus, ang pet project ng beauty czar, TV host at philanthropist na si Mader Ricky Reyes sa tulong ni Hans Sy, pangulo ng SM Holdings Corporation na siyang nag-provide ng 7-storey buil­ding (complete with amenities) sa may F. Agoncillo St. in Paco, Manila at ng branch nito in Quezon City na matatagpuan sa No. 90 Mapang-akit St., Brgy. Pinyahan in Quezon City na binasbasan nung linggo ng hapon, July 14.

Lahat ng cancer patients children na nagpapagamot in Quezon City ay sa QC branch ng Child Haus tutuloy habang ang Maynila naman ay tutuloy sa ChildHaus Manila na walking distance lamang sa Philippine General Hospital kung saan karamihan ng mga batang pasyente ay doon nagpapagamot.

Namataan namin doon ang dating Miss World 1st runner up na si Evangeline Pascual, ang recent winners ng Miss Earth Philippines 2019, ang mag-inang Tintin Bersola-Babao at Anya Babao, ang singer-actress na si Isabel de Leon, ilang executives ng GMA-7, ilang personalidad sa business sector at marami pang iba.

Kasama naman ni Hans Sy hindi lamang ang kanyang pamilya kung hindi maging ilang kaibigan sa negosyo.

Maraming showbiz personalities ang supporters ng ChildHaus kaya patuloy ang operasyon ng temporary shelter ng mga batang may sakit at kung saan din nasa pangangalaga ngayon ang isa sa mga kasamahan natin sa panulat, ang dating Philippine Movie Press Club president at veteran entertainment writer na si Manay Letty Celi na sponsored ang pagpapagamot sa PGH sa tulong na rin ng maraming donors.

Mahigit 16,000 plus na ring may sakit and parents ang nakinabang sa ChildHaus at mas marami sa kanila ang gumaling sa kanilang mga sakit.

Manay Letty was diagnosed with cirrhosis of the liver at may mga kum­plikasyon pa kaya  sasailalim ito ng matinding treatment sa tulong Child Haus at ng iba pang mga donors. Kaya ganoon na lamang ang sobrang pasasalamat ni Manay Letty sa Child Haus, Mader Ricky, Hans Sy at iba pang tumutulong sa pagpapagamot sa kanya.

Hangad namin ang full recovery ni Manay Letty at maging ng mga batang may sakit ng kanser na pansamantalang kinukupkop ng Child Haus.

MCCOY DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with