Paolo Ballesteros
Paolo hindi pa natutuloy ang pagpapagawa ng labi!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 17, 2019 - 12:00am

Crush pala ni Diana Zubiri si Paolo Ballesteros at inamin ito ng aktres sa comment niyang “Hi crush” sa pinost na photo ng aktor. Sabagay, hindi lang si Diana ang napogian kay Paolo sa pinost nitong picture, pati si Pauleen Luna-Sotto nag-comment din ng “POGI MO.”

May mga nag-comment lang ng “nice nose job!” at hindi naman dine-deny ni Paolo na nagpaayos siya ng ilong. Pati nga sa Eat Bulaga, ginagawa niyang joke at ng mga kasama ang kanyang nose job.

Nabalitaan nga namin na magpapagawa rin ng kanyang lips si Paolo na mukhang hindi natuloy dahil hindi pa rin nagbago ang korte ng kanyang labi.

Samantala, sayang at wala siya sa grand launch ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino dahil kung present siya, may kakabog sa statement ni Sue Ramirez na wala siyang bra.

Entry ang movie nina Paolo, Christian Bables at Martin del Rosario na The Panti Sisters at sa trailer pa lang, matatawa ka na. Hindi kami magugulat kung isa ang The Panti Sister sa 10 entries sa 3rd PPP na kumita dahil patatawanin talaga ang moviegoers.

Si Jun Lana ang producer ng The Panti Sisters na hinihiritan na agad ng sequel hindi pa man showing ang movie. Sa September 13 to 19 pa ang 3rd PPP na for one week, puro Filipino movies ang mapapanood sa buong bansa.

Pelikula ng magka-loveteam nilangaw, producers nagsisising hindi binabaan ang tickets

Hindi kumita ang isang pelikulang pang kabataan ang tema at gawa ng isang mahusay na director. Hindi kasi naniwala ang mga producer sa payo sa kanila ng insider sa movie industry na ibaba nila ang ticket para ma-afford ng mga estudyante na target viewers ng movie.

Naniwala ang mga producer na dahil tiniti­lian ang lead actor at marami silang followers sa social media ng leading lady, kikita ang pelikula nila. Kaya kahit anong payo sa kanila na babaan ang ticket ng movie, hindi sila nakinig at ang paniwala, kikita ang pelikula.

Kaya ganu’n na lang ang pagsisisi ng mga producer nang matanggap ang box-office gross dahil luging-lugi silang mga producer. Sana raw nakinig sila sa mga payo na babaan ang tiket ng movie para mas marami ang nakapanood at kahit budget cost ng movie, nabawi man lang nila.

Sana lang, may magtiwala pa rin sa dalawang bida ng pelikula at mabigyan pa rin sila ng movie projects.

PAOLO BALLESTEROS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with