^

Pang Movies

Winwyn gusto na lang maging single forever!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Winwyn gusto na lang maging single forever!
Winwyn Marquez

Fan din pala si Winwyn Marquez ng sikat na South Korean boy band na BTS (Bangtan Sonyeondan) at nagpunta pa talaga siya sa Japan para manood ng concert ng grupo last July 14.

Kaaliw ang tweets ng experience niya sa concert at may mga short video pa ng sarili habang enjoy na enjoy.

Mukhang ang member na si V ang kanyang bias (favorite) dahil sey niya sa kanyang tweet, matapos niyang mapanood ang binata ay tumaas ang standards niya sa lalaki at baka raw maging single na siya forever.

“V’s singularity live is beyoooond wild. He knows his audience. he was literally flirting & teasing with everyone. I died for a moment then came back to life then died again. I was in circles. My standards are so HIGH now after watching him, imma be single forever,” tweet niya.

Narito ang ilan pa sa mga tweets niya:

“Fyi kung saan ako nakaupo super strict sa phone.. may 2 na pinalabas ng venue during the concert so hindi na talaga ako nag-try. BUT OMG WALA NA AKO BOSES OMG LANG.

“No words guys. No words. I saw them also na malapit as in clear talaga ah dahil sa sinakyan nila sa last part and...

“Jimin likes to pull his shirt up lalo na nung naka white tee na siya plus nakaka-inlove siya sumayaw ( + he is super cute! Totoo talaga) TEAR for me was one of the best prod sobrang galing ng RAP LINE sobrang angas no joke. JIN IS H.A.N.D.S.O.M.E! galing niya sa Epiphany din.”

At dahil ang daming nagtatanong sa kanya regarding BTS, nag-promise si Wyn na gagawa ng video kung saan ay sinasagot niya ang tanong ng fans tungkol sa concert.

“Okay like this since its hard to reply to everyone! Throw your questions like what you guys want to know about the concert use the hashtag #BTSfortheWYN so easier to check then ill make a video answering those questions. Game?”

Ilang sandali pa at nag-trending na ang kanyang pa-hashtag na #BTSfortheWYN sa rami ng nagtatanong sa kanya.

Mukhang enjoy na enjoy ang aktres/beauty queen sa kanyang pagiging single ngayon after her break-up with Mark Herras.

Dingdong tinalo sina Piolo, Paolo, Daniel at Christian

Double victory para sa PPL Entertainment, Inc. ni Perry P. Lansigan ang pagkakapanalo ng dalawa niyang artists na sina Dingdong Dantes at Max Collins sa katatapos lamang na 2019 Entertainment Editors’ Choice Awards or The EDDYs ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors)

Si Dingdong ang itinanghal na Best Actor para sa Sid & Aya: Not a Love Story habang si Max naman ang nagwa­ging Best Suppor­ting Actress para sa pelikulang Citizen Jake.

Tinalo ni Dingdong ang mga kalabang sina Piolo Pascual, Paolo Contis, Daniel Padilla, Christian Bables at ang yumaong si Eddie Garcia.

Hindi nakadalo si Max sa awards night kaya sa Instagram siya nagpahatid ng kanyang pasasalamat. Aniya ay dream come true ang naturang award.

Dingdong naman personally accepted his trophy dahil nakadalo siya sa awards night pero nagpost pa rin siya ng pasasalamat sa kanyang IG. “I give back all the glory to you, Lord. Salamat, Eddys, sa pagkilala,” ang post ni Dong.

Proud na proud naman of course si Perry na nag-post din ng kanyang pagbati para sa mga alaga. “Congratulations to my alaga Max and Dong! You deserve the recognition and I am so proud of you! Thank you Eddys. God is so good,” ang post ni Perry.

Congrats, Dong and Max!

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with