Aurora Pijuan
Kikitain ng korona ng dating Pinay Miss International ido-donate sa mga mangingisda
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 17, 2019 - 12:00am

Bongga naman ang tulong na gagawin ng 1970 Miss International na si Aurora Pijuan sa mga mangi­ngisda na lulan ng Gem-ver vessel.

For auction ang Mikimoto Crown ni Pijuan ang kikitain ay mapupunta sa 22 fishermen na nasangkot sa bangaan sa isang Chinese vessel sa West Philippine sea noong June 9.

Sa pahayag sa ABS-CBN News, “I’m going to give the proceeds to them in the hopes that this gift to me, really, a gift to our nation when I won the title in 1970, will have real value and significance today.”

Ang korona ay bahagi ng Leon Exchange Online Auction Edition 12 ng Leon Gallery na gaganapin sa July 20 hanggang July 21, 11AM.

Ang nasabing korona na gawa ng Tokyo-based jewelry company ay katulad din ng crown na isi­nuot ng reigning Miss Universe Catriona Gray.

Maine nagpasalamat sa apat na taon ng Aldub

Nagpakawala ng mensahe si Maine Mendoza sa AlDub fans na isinelebreyt ang fourth anniversary ng AlDub loveteam. Kahapon sa Eat Bulaga, sugod ang ilang fans ng AlDub. Tweet ni Meng kahapon, “Happy 4th anniversary, AlDub! Mara­ming salamat sa lahat ng tunay na nagmamahal. Salamat sa lahat na naging parte ng AlDub Nation sa loob ng apat na taon.”

‘Yun nga lang, nasa Barangay si Alden Ri­chards habang hindi namin nakita si Meng habang sinusulat namin ito.

Eh dahil ngayong July ang selebrasyon ng 40th year ng noontime show sa telebisyon, dapat lang na magkaroon ng special number ang AlDub loveteam dahil history ang naiambag nila sa programa, huh!

AURORA PIJUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with